Chapter 4:

5.4K 166 7
                                    

Jenny's POV

Araw na ng cheering. Kinakabahan ako. Pero may naramdaman akong pares ng kamay na humawak sa kamay ko.

Nakita ko yung kamay ni Marielle sa kabila, at ngumiti ng pilit. Pati siya kinakabahan eh. Pero napansin kong di sa kanya yung isang kamay kung hindi kay...

Eeeeh! Kay Ezekiel. Nagtata-talon siya sa tabi ko habang hawak ang isa kong kamay. Pwede makitalon? Hawak niya kamay ko! ~(@^_^@)~

"Wag na nga kayong kabahan na dalawa. Masaya 'to oh!" tinaasan naman siya ng kilay ni Marielle. Friends na din sila. Syempre alam mo na, malay mo makakuha siyang info tungkol kay mahal ko. Hihihi.

"Hindi ka ba tinatablan ng kaba? Ta-tumbling ka kaya mamaya." ngiti lang ang sinagot ni Ezekiel sa amin.

Nagsimula na ang cheering. At kung minamalas-malas ka nga naman, una pa kami. Hay, this is it, pansit!

Bigay kung bigay at pak kung pak ang sayaw namin. Ito kasi ang may pinakamalaking points sa intramurals namin.

Patapos na yung sayaw namin, syempre hindi mawawala sa isang cheering ang lifting. And guess what? Ako ang taga-buhat. -_-

Kulang kasi sa lalaki, kaya ko naman daw. T.T

Pero ok lang naman din, kasi isa sa mga katulong ko sa pagbubuhat si Ezekiel. Alam niyo na, magkakahawakan kami ng kamay sa pagsalo sa bubuhatin namin. Eeeeeh!

Natapos din ng payapa ang cheering at satisfied naman ang lahat sa amin na sumali ng cheering squad dahil walang nagkamali at pantay naman ang energy ng bawat isa.

---

Last day na ng intramurals namin, at nandito kami ngayon ulit sa 2nd floor ni Ezekiel my loves ko at ni Jezriel na tumitingin ulit ng mga estudyanteng nadaan sa ground floor. Pero iba ang aura nilang dalawa.

"Hoy, anong problema niyong dalawa? Bakit ang tahimik niyo?" pero pareho lang nag-irapan ang dalawa. Ok, fishy ah.

"Magkaaway ba kayong dalawa?" pero imbis na sagutin ako ni Ezekiel ay nag-walk out siya at si Jezriel naman ay nanahimik lang.

Kakauwi ko lang galing sa school namin. Hay, tapos na ang intrams! Pero namomobroblema naman ako sa dalawang bestfriend ko na magkaaway. Kaya nag-PM ako kay Ezekiel sa FB niya.

"Hoy, bakla! Anong problema niyo ni Jezriel?" tanong ko sa kanya.

Ilang minuto lang ay nag-pop na kaaggad ang message ni Ezekiel. Eeeh, nireply-an niya ako.

"Eh, wala." plain niyang sagot.

"Nag-iirapan nga kayo kanina. Ano nga yun?" pero na-seen lang ako ng mahal ko.

Ilang minuto lang ay nakita kong naka-online na rin si Jezriel.

"Hoy! Anong pina-awayan niyo ni Ezekiel?" PM ko sa kanya.

Ilang minuto lang ay nag-reply na agad siya.

"Wag kang maingay ah. Mamaya pagsabi mo eh." um-oo naman ako sa kanya.

"Crush ko din kasi si Andrei." pag-amin niya sa akin.

What?! Dahil lang dun? Seriously?

Agad ko naman ni-PM si Ezekiel.

"Hoy bakla. Dahil lang kay Andrei ah?" agad naman siyang nag-reply.

"Oo. Ayokong inaagawan ako sa kanya. Kahit crush lang yun." napa-face palm na lang ako sa daalawang 'to. Pero naka-isip ako ng bright idea. Ting!

"Eh kung akin ka na lang. Wahahaha XD" ganyan ang reply ko sa kanya.

Agad naman siyang nagreply ng...

"Yuck, Jenny! Gross ka. Manahimik ka nga." aww, broken hearted agad?

"Hahaha, para nga wala ka ng kaagaw. Iyong-iyo lang ako." at dito na nagsimula yung pang-aasar ko sa sarili ko sa kanya.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon