Chapter 20

3.6K 109 0
                                        

Jenny's POV

Patuloy pa din akong bumibisita sa school namin dati kahit na hectic ang sched ko. Nagpaiwan pa ako dito sa Pilipinas nga 1 week pa, kasi malapit na din ang anniversary ng… ehem friendship namin. Pero dahil sa pinagalitan na ako ng president ng company namin pati ng manager namin eh mapaaga ang uwi ko…

Kaya naman bumili na ako ng cake namin. Para talaga sa aming 'tong tatlo, pero hindi ko na sinabi pa sa kanya. Tsaka subukan niyang sabihin kay Ezekiel.

"Ate Jenny!" tawag ni Jezriel.

Ako naman eh tagong tago naman, sa lahat naman kasi ng pagkikitaan namin eh sa dating school namin, at malapit na sila maguwian ngayong pagdating niya.

"Hoy, bakit ba ang tagal mo? Nananadya ka ba?" pangaaway ko kay Jezriel.
"Ano bang ginagawa ko sa'yo?" pa inosente pa 'to. Grrr.
"Talaga bang ngayong oras ka ppa nadating, at dito pa talaga." inis na bati ko sa kanya.
"Eh bakit ba? Dito kasi ako pinakamalapit." saktong pag abot ko sa kanya ng cake eh lumabas na sila.

Arggh! Paano pag nakita ako dito, magkakagulo na, makikita niya pa ako, paano kaya namin mase-celebrate ni Jezriel yung friendship day namin?

At ayun speaking of, may nakakilala na sa akin. Kaya halos nagkagulo na ang mga tao.

Kitang kita ko siyang papalapit na sa akin at nakatingin din siya sa akin, kaya umiwas ako ng tingin.

Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Jezriel sa kamay, at hinila na ako paalis sa lugar na yun.

"Kita mo, sinasabi ko na nga ba?! Kaya ayoko dun eh. Masasabunutan talaga kita Jezriel." nakatakas din kami sa mga fans na humabol at nagtago sa pinakamalapit na karinderya.

Inihanda namin ang cake at umorder na din sa karinderya, kasi nakakahiya naman kung hindi kami umorder diba? Makikiupo kami tapos wala man lang binili sa kanila?

"Nakita ko siya kanina? Nakita mo?" tanong niya. Malamang si Ezekiel tinutukoy niya.
"Oo, nagkatinginan pa nga kami, kasalanan mo eh." bumungisngis lang si gaga.

Sinindihan na namin yung candle ng cake at sabay na nagwish.

"Happy anniversary sa atin!" akmang hihipan ko na yung candle ng cake ng…

"Friendship day natin ngayon tapos wala ako? Parang hindi naman  ata tama yun?" ngiting ngiti si Jezriel habang ako eh… grrr. Pinagplanuhan niya ba to?

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon