Chapter 1:

11.2K 239 51
                                    

Jenny's POV

Announcement ng Intramurals namin.

Ang mga teachers namin eh busy-ng busy sa kakasaway at kakapatahimik sa lahat ng estudyante ng school namin.

Ako nga pala si Jenny Santos, 16 na at 4th year high school. Malapit na din kaming grumaduate kasi ngayon eh, January na. Hay, salamat! Matatapos na ang buhay ko sa high school at magco-college na din. Mag-aaral pa din pala. -_-

Hindi naman ganun kalaki ang school namin, at hindi rin naman ganun karami ang populasyon ng estudyante sa school namin. Sadyang konti lang talaga ang mga teachers dito. Isa nga pa lang private ang school ko.

Nakakainis lang na ang yung classmate kong bakla eh sa ibang group siya. Green ang color ng group ko at blue naman sa kanya.

May secret akong sasabihin sa inyo ah. Ang totoo niyan, madalas akong magka-crush sa bakla. Ay, hindi pala madalas, lagi pala kasi.

Pero choosy din naman ako, gusto ko ng may itsura at matalino. Kahit di naman matalino, basta kayang sumagot ng math problems. Hehehe.

Bakit nga ba ako nagkaka-gusto sa mga bakla or beki?

Ewan ko din eh, simula kasi nung 1st year high school ako at nakapanood ako ng isang drama na babaeng nagkunyaring lalaki, tapos nagka-in love-an sila dun na ako nangarap na sana ganun din ang lovelife ko.

Kaya ngayon, ayun! Tanaw ko na naman ang crush ko. Si Mike. Hihihi, ang lalaki ng pangalan no? Lalaki ang mukha at katawan niyan. Marunong nga mag-DOTA yan eh. Pero wag mo lang talaga siyang pag-gagalawin o palalakarin at pagsasalitain, maco-confirm mo kasi siya.

"Mikeeeeee! Labs ko! San ka ba pupunta?" tawag ko sa kanya.

Para naman siyang naaligaga at agad na lumapit sa isa ko din na kaklase na bestfriend niya, si Aira.

"Mikeeee labs! Bakit mo ba ako tinataguan? Yayakapin lang naman kita eh." natawa naman sa amin si Aira. Ganyan talaga ako kapag nakikita ko si Mike. Minsan nga bigla ko na lang yan yayakapin eh.

"Yuck, Jenny! Will you please shoo shoo away from me?! Your so kadiri!" kita niyo ang conyo niya magsalita. -_- baklang-bakla.

Bago pa man ako makalapit ng tuluyan ay biglang nag-clear throat ang administrator ng school namin kaya naputol ang paghahabulan namin ni Mike.

Narinig kong bumuntong-hininga siya kaya naman tiningnan ko siya.

"Humanda ka sa akin mamaya. Di pa tayo tapos!" saka ako nag-walkout ala catwalk.

Nagpunta na ang mga estudyante sa mga naka-asign na group saa kanila. Nag-meeting sa sariling room ng bawat group pero color at pinagdesisyunan ang mga taong ipanlalaban sa bawat laro na inihanda para sa Intramurals.

Tulad ng dati, bagot pa rin at tulad ulit ng dati ay sumali na naman ako sa cheering squad ng group namin. Pero wag niyo akong asahan na magaling akong sumayaw at payat ako. Hindi no. Putchu-puctchu lang kasi yung cheering namin.

Nakakainis pala. Sinali din ako sa basketball girls at tug of war. Sabi sa inyo, panlalaking gawain ang laging binabato sa akin. Malaking babae kasi ako.

Ilang araw ang nakakalipas

Magsisimula na kaming mag-practice para sa cheering namin. Yung dati naming Ms. Intramurals, sumali ngayon ng cheering. Last year siya naging pambato namin, at siya din ang nanalo as grand champion. Gusto niya daw ngayon yung cheering ulit, nag cheering na kasi kami nung 1st at 2nd year namin, eh siya nga last year Ms. Intrams kaya balik ulit siya ngayon since, bawal ng sumali ulit ang nanalo na.

Start na ng practice sa Multi Purpose Hall ng subdivision namin. Maliit lang talaga ang school namin, at wala kaming lugar na pagpa-practice-san kaya sa subdivision na lang namin since libre naman.

Dumating na ang lahat ng mga inilistang sasali sa cheering at magsisimula na kaming i-practice ng...

"Ma'am! Wait lang." at huminto ang mundo ko sa nakita kong dumating.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon