Jenny's POV
Maaga kaming natapos kumain kaya naman marami pa kaming free time na pwedeng ubusin.
At dahil dun, bumalik naman agad si Aira at Mike sa kani-kanilang grupo. Syempre si Marielle kasama ko.
"Teka nga Jenny, umamin ka nga sa akin may gusto ka dun sa batang yun?" syempra alam niyo na kung sino pinepertain niya diba?
Napangiti naman ako na may kasamang konting ngisay sa kilig na sagot ko kay Marielle.
"Hihihi, oo. Pero secret lang ah! Tayo lang makakaalam, ok? And to tell you, mahal ko na ata siya. Destiny ko na yun." natawa naman siya sabay batok sa akin.
"Alam mo, iba na yan ah. Mahal agad? Eh 1 week pa nga lang tsaka di mo pa kilala. Kaloka!" pero hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Marielle at naupo na lang muna. Nagka-sari-sariling mundo munaaa kami.
Ilang oras na din ang nakalipas at nakita kong dumating na ang love of my life ko. At tumabi siya kay Tasha, ang kaibigan kong nasa lower grade at matagal ko ng ka-group.
Nakakainis! Naiinggit ako kay Tasha!
Nagstart na rin ang practice at as usual medyo lutang na naman ako dahil sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto...
Pinag-water break muna kami. At ito na ang pagkakataon ko para iistalk ang mahal ko. Agad akong lumapit kay Tasha.
"Tasha! Sino yung batang yun?" pa-curious kong tanong. Ayoko ng masyado akong excited na malaman kung sino yun. Secret muna ang pagmamahal ko sa kanya.
"Ah yun po ba? Classmate ko yun. Grade 7. Si Ezekiel Zalamea."
Ezekiel Zalamea. Grade 7.
Ezekiel Zalamea. Grade 7.
Ezekiel Zalamea. Grade 7.
Waaaaah! Bakit ang bata pa!? Pero age doesn't matter naman eh. Wahahaha. May pag-asa ako! Aja.
Ilang linggo na rin ang nakalipas at ito na ang last na practice namin para sa cheering. Last day na makakasama ko sa araw-araw si Ezekiel. Pero...
Hihihi, magkaibigan na kami! ^_^
Pero hindi lang siya ang naging kaibigan ko sa kakakilala ko sa kanya. Kundi pati na rin Si Jezriel. Ang we-weird na talaga ng pangalan nila ngayon. Babae po yan. At ka-group ko din.
Nung isang araw nga magkasama kaming tatlo sa hallway ng 2nd floor ng school namin. Nagpapahinga kasi kami. Si Marielle kasi absent ng araw na yun.
"Waaaah! Nakakapagod." sigaw ko.
"Malamang, kagagaling mo lang practice." pambabara sa akin ni Ezekiel.
Tumawa naman kaming tatlo. Niyakap ko silang dalawa, well chansing na rin sa loves ko at saka nagdrama ng...
"Waah! Magco-college na ako. Maiiwan ko na kayong dalawa dito." pero imbis na magseryoso eh inasar pa ako.
"Eh kasi tumatanda ka na kaya ganun." sabay pa sila niyan ah.
Patuloy lang kaming tumitingin sa mga tao sa groud floor mula sa kung saan kami ngayon at bigla na lang tumingin sa amin yung isang ka-member namin na pogi daw, pero hindi naman at bigla na lang ngumiti...
Pero teka sa akin? Di naman kami masyadong close eh. Tumingin ako kay Jezriel at nakatingin siya kay...
OMG, heartbroken na ba agad?
Kinikilig na ngumiti pabalik ang mahal ko sa panget na yun saka tuluyang umalis si Andrei. Isasali nga yun sa false gay namin eh. Waaah!
"Eeeh, ang pogi niya noh?" kilig na kilig siya niyan ah.
"Sus! Ang landi mo." sabay naming sabi ni Jezriel.
"Eeeh, wag nga kayong basag trip! Crush ko yun eh." sabay hampas pa sa amin. Grrr!
BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...