Chapter 25

3.1K 91 0
                                    

Jenny's POV

'Jenny, you need to come. Okay?' ayaw ko man, dahil alam kong iingay na naman ang buhay ng mga kagrupo ko, ng company namin pero wala. Si CEO na ang nagsabi na pumunta ako.

Ano nga ba ang pupuntahan ko?

18th year anniversary na kasi ng company namin. At dahil ang group daw namin ang muling nagbigay kulay sa company kaya ang gusto ng CEO ay makapunta ako sa party na gaganapin, malamang sa Korea.

At sinabi niya pa kanina na...

'Kung gusto mo isama si Ezekiel bilang partner mo ay okay lang din.' nakakaloka sila diba?

Alam ng lahat sa Korea ang kontrobersyal na pag-uwi kong muli dito sa Pilipinas. At hindi ko alam kung may saltik ba 'tong CEO namin at mukhang ipapahamak niya pa ang sarili niyang kompanya.

Pero bakit nga ba sila ganyan sa akin? Na parang wala lang ang pag-hiatus ko at bumaba ng kaunti ang stocks ng kompanya nang dahil sa akin pero welcome pa rin ako sa kanila?

Siguro nga ang CEO na namin ang pinakamabait na CEO sa lahat dahil ang tangi niya lang sinabi ng mag-hiatus ako ay ang salitang... 'naiintindihan ko'.

Hindi man tanggap ng ilan ang dahilan ng paghihiatus ko, hindi hadlang yung para suportahan ako ng mga kagroup ko at ng company namin.

Agad namang tumawag si Bora at ininform din ako sa darating nga na anniversary party. At isa na namang kinagulat ko ay ang sinabi niya na...

'Bring Ezekiel here. CEO will get mad if you wont.' kaya no choice ako kundi ipaalam sa kanya na dapat ko siyang isama sa Korea.

---

"What? Talaga, girl? Sasama ako sa'yo sa Korea? Libre ba yan?" nagningning ng bonggang-bongga ang mata niya ng ibalita ko sa kanya ang pagpunta namin sa Korea.
"Oo, mukha naman 'tong libre. Pero siyempre may mga bagay ka na dapat gawin kapalit ng pagpunta mo dun." natawa na lang ako sa kanya dahil walang kagatol-gatol na tumango ang gaga. Basta libre talaga. Hahaha.

 "Ano? Bilis girl! Excited na akooooo." 

---

Nasa airport na kami ngayon. Ilang araw na mula nung sinabi kong magiging escort ko siya sa darating na anniversary ng company namin at for sure ay lalabas siya sa tv, ay ayan. Busangot na busangot ang face.

"Ano bang problema? Ayaw mo nun? Maraming fafa dun. Mas sisikat ka pa, duh? Malay mo madiscover ka na lang bigla. Pag nangyari yun, sa company ka namin mag-debut ah." biglang napangiti ng bongga ang lola niyo sa maganda at bright kong naisip para di na siya nakabusangot.

Pero ang unti-unting masayang pagtravel namin ni Ezekiel ay biglang nawala ng pagdating namin ng Korea.

Sa airport pa lang, sandamakmak na ang reporters. Pinatakpan ko sa manager namin ang mukha ni Ezekiel. At ilang fans at reporters din ang humarang.

'Siya ba ang binalikan mo sa Pilipinas?'
'Miss Hyo, pa authograph naman!"

Pero nginitian ko lang sila at saka pumilit na umalis sa kumpol ng maraming tao.

Pagkasakay ko ng van, nagulat ako ng hilahin ako ni Ezekiel atsaka niyakap.

"Anong problema, Ezekiel?" seryosong tanong ko.
"Sorry sa nagawa kong problema sa'yo. Hindi ko alam na ganito pala kalala yung sitwasyon mo na dito ngayon sa Korea. Pero eto ka kasama ako. Salamat, friend." magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan pero mahal ko siya eh.

"Tama na nga emote, tara na." sabi ko at nagpahatid na kay manager hanggang sa company.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon