Jenny's POV
My last kiss.
Goodbye Ezekiel.
Hindi ko alam kung bakit mo ako hinalikan, at ako naman si tanga eh tumugon. Pero last na talaga. At sa pagbalik ko, sana naka-move on na ako.
Third person's POV
1 taon.
Nung huli siyang magpakita bagosila mag test sa school namin.
Ngayon, 3 taon. Nadagdagan na. Grade 12 na ako. Huling taon ko na sa school namin, at pagkatapos gagraduate na ako.
Pero hindi na siya nagpakita. Kinontact ko na silang lahat, lahat ng pwedeng makakilala kay ate Jenny. Pero wala. Alam kong alam nila kung nasaan si ate Jenny, pero sinasabi nilang wala. F*ck naman, hindi ako manhid no.
Pinilit ko mag-move on. Kaya nag girlfriend ako.
Oo, tama yung pagkakadinig niyo. Nag-girlfriend ako.
Bi lang naman talaga ako eh.
At nakonpirma ko ang nararamdaman ko noon kay ate Jenny. Pero, siguro hindi talaga siya naka destined para sa akin. Pero anong magagawa ko.
Si Andrei, pagkatapos nung eksena namin ni ate Jenny sa bar, hindi na ako nakipagbati sa kanya. 1 taon ko siyang di pinansin nun. Ewan ko nahihiya ako eh. Pero masasabi ko ng hindi ko na talaga siya gusto pagkatapos mawala na parang bula ni ate Jenny.
Pero matapos ng 1 taon, siya mismo ang lumapit sa akin, bilang kaibigan.
Para kaming nag open forum nun ng lapitan niya ako, gagraduate na sila nun kinabukasan. Gusto lang daw niyang matapos ang lahat ng dapat niyang tapusin bago siya umalis.
Maski siya pala naramdaman na noon na nawala na ang pag-ibig ko sa kanya nung panahon na namimiss ko si ate Jenny at kami pa.
Ako lang ba talaga ang hindi kaagad naka realize nun?
Maski sila ate Marielle, sinabi din nila sa akin yun after nung kiss sa bar namin ni ate Jenny.
Haay! Sobrang late ko lang pala talaga, at ang tanga ko lang na di ko kaagad naramdaman yun, kasi nawala na yung taong gusto ko.
"Dhie. Anong iniisip mo at ang layo na ng nilipad ng utak mo?" si Erica. Yung girlfriend ko ngayon.
Actually ka M.U ko 'to nung grade 6 ako. Yeah, i know. Maaga lumandi. Pero puppy love lang pala yun. Nawala agad kasi bukod sa naging bakla ako ng lumipat ako sa school namin ngayon.
Pero nung lumipat siya nung nag grade 11 ako, at moving on pa lang ako kay ate Jenny noon, siya ang tumulong sa akin.
At hanggang ngayon, kami pa din.
"Syempre ikaw lang naman iisipin ko noh." napangiti siya sa sinabi ko.
Maganda pa rin siya, mabait at matalino. Pero sobrang hinhin. Parang hindi makabasag pinggan. Ganun.
Pabalik na kami sa room namin ng may marinig kaming tilian sa labas ng room namin. Gusto ko man makiusisa eh hindi na pwede dahil ang susunod namin teacher eh strikto at baka mabatas kami pag lumabas pa kami.
Naglelesson na ang teacher namin pero patuloy pa din ang tilian sa labas. Dahil nasamalapit naman ako sa bintana, sinubukan kong silipin kung sino yung tinitilian. May nakita akong babaeng matangkad na medyo tan ang kulay, at maiksi ang short pero bagay naman sa kanya at nakasando at kulay blonde ang buhok. Halatang artista pero hindi ko makilala kung sino.
"Gusto mo bang lumabas at makiusisa sa mga sumisigaw Mr. Zalamea?" sabi ng teacher namin na masungit. Nyay. Special mention pa.
BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...
