Chapter 9:

4.2K 151 11
                                        

Ezekiel's POV

Ilang taon na ba ang nakalipas? Isa? Hay. Pagkatapos nung gabing yun hindi na ako naka-contact o nakita man lang si ate Jenny. At nakakalungkot. Feeling ko may nawalang parte sa akin.

"Huy! Anong nangyayari sa'yo diyan at nakatulala ka?" tawag sa akin ni Andrei.

Oo, kami pa. Mas lalo kaming nagtagal dahil sa bigla na lang pagkawala ni ate Jenny. Yung lungkot ko natutuon ko kay Andrei.

"Bakit masama?" saka ako nagpout. Hinalikan pa ako. Eeeh!

"Ezekiel, tawag ka ni ma'am Joanne sa faculty." panira naman ng moment 'tong batang 'to.

"Oo, susunod na!" sigaw ko naman pabalik sa kanya. Kainis talag 'tong si Tasha.

"Drei, akyat muna ako huh?" nagkiss ako ulit sa kanya pero smack lang.

Pagkaakyat ko, well panay teachers lang naman ang nandun. Faculty nga eh. Pero syempre lalapit ako sa kung sino ang nagpatawag sa akin.

"Ma'am ano yun?" bungad ko agad kay ma'am Joanne.

"Maghanda kayong grade 9 ng food presentation. May mga darating dito na tourism students sa *** University. Galingan at ayusin niyo ah." yun lang at pinaalis na ako ni ma'am Joanne.

*** tourism students? Dun nag-aaral si ate Jenny ah. Tsaka tourism ang course niya. Makikita ko na ba siya ulit? Napangiti na lang ako sa mangyayari. Sana sila yung pupunta dito.

Matapos ang isang buong araw na preparasyon para sa mga tourism students ng *** University ay natapos din naming, at masarap naman daw yung hinanda namin.

"Ma'am, pwede magtanong?" tanong ko kay ma'am Joanne.

"Nagtatanong ka na, ano yun?" nye, pilosopo din nito ni ma'am eh.

"May listahan po ba kayo ng mga pupuntang mga estudyante ditto galling dun sa *** University?" malay natin maka-tsambang tingin, tapos kasama pala talaga si ate Jenny.

"Wala eh. Na kay Sir Refran lahat. Pero meron isang estudyante na taga-rito dati ang pupunta ngayon. Tsaka bakit mob a inaalam, ayusin mo na lang yung mga pagkakainan nila." ang sungit talaga nito. Pero sana si ate Jenny na yung binabanggit ni ma'am Joanne. Excited na akong Makita siya ulit.

Ialng oras lang ang nakalipas, dumating na sila. Wow, ang aastig ng mga itsura nila. Ang gaganda at ang popogi. Pero yung karamihan, kafederasyon ko. Wahaha.

Syempre nakaayos din kami. Ipaghahanda din kasi naming sila. Kaya proper uniform kami ngayon.

Nagpagtingin ko sa gate ay sinasara na iyon pero wala pa din si ate Jenny. Hindi siguro nila klase yung pumunta.

Nakatalikod na ako ng may marinig akong sumigaw sa labas. At nakita kong humarang ang kamay niya sa gate na pasara.

"Hihihi, hi kuya! Long time, no see." ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sa gwardiya na 4 na taon ng nagbabantay ditto. Naabutan pa yun ni ate Jenny.

And speaking of, napaka-sopistikada ng dating. Pumayat pa siya lalo, at nagging sexy. Ang ganda-ganda niya. Ang ganda rin ng uniform niya, bagay sa kanya. Flight stewardess na flight stewardess ang dating.

Nadaan siya sa maraming estudyante, at yung iba nakilala din siya. Mga kagrupo namin sa Intramurals. Nginitian niya lahat ng bumati sa kanya. At bumulong pa sa iba na,

"Mamaya na tayo magusap-usap huh. Exam kasi naming 'to. Kailangan mabait ako ditto, kaya mamaya na lang." kumindat pa siya sa mga estudyante.

Yung iba naiingit kasi di nila nakilala si ate Jenny. Ang ganda daw niya, etc. Yung mga nakakilala naman sa kanya, nagmamayabang pa na kilala daw nila.

Nung dumaan na siya sa harap ko, hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako o ano, pero alam kong nakita niya ako. Pero bigla na lang siya tumingin sa ibang direksyon at humabol sa pila nila.

Argggh! Bakit?! Ano bang ginawa kong kasalanan?

---

Oras na para i-serve ang mga pagkain sa mga guest naming ngayon. At maswerte akong nasali dun. Pero hindi ako ang magseserve kay ate Jenny. Kaya naman agad kong inagawan ang taong magseserve para kay sa kanya.

Unti-unti na kaming lumapit sa seserve-an namin. At nung kay ate Jenny na ako, sinigurado ko kung iniiwasan niya ba ako o feeling ko lang yun.

Tiningnan ko siya sa mata. Nakatingin din siya sa akin, pero ang cold ng expression nito. Ngumiti siya, pero hindi aabot hanggang mata.

"Hi, girlfriend ko. Kamusta na? Ang tagal nating hindi nagkita. So-sobrang namiss, kita." hindi ko alam kung saan ko hinugot yung lakas ng loob ko para sabihin yun sa kanya. Pero ito yung gustong sabihin ng puso ko.

Nakita kong nagulat ang ekspresyon ni ate Jenny, pero napalitan ito agad ng ngiting hindi mo mararamdaman ang saya.

"Mukhang masarap 'tong niluto niyo ah. Balita ko ang grade 9 ang nagluto?" saka siya tumikim sa pagkain niya at nginitian ulit ako.

"Huy, Ezekiel! Halika na nga!" tawag sa akin ni ma'am Joanne. Di ko napansing ako na lang pala ang naiwan sa mga nagserve sa kanila.

---

Natapos ang exam nila ate Jenny. Nagkaroon ng konting usapan ang mga teachers ng school ni ate Jenny at ng mga teachers namin kasama ang mga estudyante ng school nila. Naririnig kong bidang-bida sa usapan si ate Jenny, dahil galing nga siya dito.

Habang patuloy lang ako sa panonood sa kanila, nakita ko yung katabi ni ate Jenny na lalaki. Nakaakbay ito sa kanya. Yung kamay nito ay nasa isang kamay ni ate Jenny. Nakakapang-init ng ulo yung nakikita ko ngayon. Hindi ba sila nahihiya sa mga teachers na nasa harap nila?

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon