Chapter 31

4.3K 99 1
                                        

Nandito kami ngayon sa kwarto kung saan naka-admit si Ezekiel kasama ang buong group. Jusko, ano ba kasing nasa isip ko. Nakakahiya!

"Can you explain to us Hyo what are you doing with Ezekiel a while ago?" si Syou at Bora naman eh tawa ng tawa. Wala talaga akong kakampi dito. T_T

"Hey look, its not what you think it is. Its just that..." ang sama na ng tingin sa akin ni Som.
"What?!" pigil na pigil naman yung dalawang baliw sa likod. Pasalamat sila...

"I thought I'm still dreaming that I were kissing Ezekiel on our wedding and I don't want to miss that chance and feeling again so I woke up that he's kissing me so I just kiss back." pag explain ko.
"Kiss back? Then why the hell are you on Ezekiel's top?" narinig kong biglang tumawa si Ezekiel.

"Hahahaha, okay enough with that. I just want to tell you all that... my memories came back." lahat kami ay nagulat sa sinabi ni bakla.

"I told you Hyo! Its all worth it!" sigaw ni Bora.
"Yeeees! This is forever!" hiyaw ni Syou.
"Oh my gosh! This is great!" sigaw ni Som habang tumatalon.

Pero sa lahat ng reaksyon nila, ako eh nakanganga lang.

"H-hindi ka ba masaya na bumalik na ulit yung ala-ala ko ate Jenny?" papatulo na yung luha ko. Kung alam mo lang Ezekiel. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya sa sobrang saya. Akala ko hindi na babalik yung memorya niya. Memories naming dalawa.

"A-ate Jenny..." hinawakan niya yung kamay ko.

"Ate Jenny? Ayaw mo na ba sa akin? Pagkatapos ba ng lahat ng yun nagsawa ka na? Ate, please. Wag. Please bigyan mo pa ako ng isa pang chance. Pinapangako ko sa'yo, ibibigay ko lahat. Gagawin ko lahat, mapatawad mo lang ako sa mga nagawa ko. Sobra sobrang sakripisyo na yung naibigay mo sa akin. Ngayon, bigyan mo ako ng pagkakataon para ibalik lahat sa'yo yun. Ate Jenny, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Please?" habang binabanggit niya bawat salitang binibitawan niya. Umiiyak na siya.

Syempre sino ba ako para tanggihan siya? Yung taong matagal ko ng gustong makasama. Yung taong mahal na mahal ko at sa ilang taong lumipas siya pa din ang lamang ng puso ko.

"Bakit may sinabi ba akong ayaw ko sa'yo? Pagkatapos ng lahat sa tingin mo ngayon pa ako susuko? Mahal na mahal kita, Ezekiel." at hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan niya ako.

"Oh my gosh so sweet!" narinig kong komento ni Som.
"You don't even understand a single thing to what they are talking." pambabara sa kanya ni Bora.
"Just shut up guys. You're ruining the mood." saway naman sa kanila ni Syou.

Simula ng makalabas sa hospital si Ezekiel, kabi-kabilang rumors na naman ang lumabas. Naging hindi na naman maganda ang pangalan ni Ezekiel sa K-netizens. Pero salamat sa international fans at ng kanilang suporta naging tahimik na ang lovelife ko.

Ilang buwan din makalipas nun ay umuwi kami sa Pilipinas ni Ezekiel. Hindi na sumama ang tatlo dahil nagbabalak ng comeback ang CEO namin at for the mean time eh sila na muna ang magaasikaso.

At eto, habang nasa Pilipinas nagsimula ng manligaw sa akin si Ezekiel. Sa totoo lang hindi pa ako sanay. Ang bakla pa din minsan ng dating niya sa akin at natatawag ko pa din siyang bakla. Pero ganun ko naman siya minahal eh. At after 2 months kong pananatili sa Pilipinas ay sinagot ko na siya. Choosy pa ba?

Ilan taon kaming long distance ni Ezekiel simula ng bumalik ako sa Korea. Syempre ayokong iwan sa ere yung mga taong tumulong sa akin para mabuo ang love life ko. Halos itaya na din nila ang buong kompanya para kay Ezekiel. At alam yun ni Ezekiel.

Tuwing may concert kami ay hindi nawawala sa listahan namin syempre ang Pilipinas. Minsan thrice a month ako nakakadalaw sa Pilipinas at minsan kasama din ang grupo. Minsan naman si Ezekiel, dahil may trabaho naman na siya at namimiss niya din daw ang mga tao sa company nung nandito pa siya nun.

Pero syempre dumadating sa puntong hindi ka forever na magsisilbi lang sa mga fans mo. May buhay ka din.

Kaya after 5 years na long distance, nagulat na lang ako ng lumabas bigla si Ezekiel sa isang music show at nagpropose sa akin. Ano pa bang magagawa ko eh halos kasama na namin siyang sumayaw noon sa music show. Nakakahiya at naghiyawan ang mga tao. Then after ilang months of preparations, dalawang beses kaming ikinasal. Sa Korea at sa Pilipinas. At syempre hindi naman mawawala as bridesmaid si Crenz na naging malaking bahagi din ng pag-iibigan namin.

At eto, dahil medyo mahirap bumyahe byahe. Sa Korea namin naisipan na tumira.

Gabi na ako na kauwi galing sa pagshu-shoot ng music video pero heto ang asawa ko nakatayo sa harap ng bahay namin dito sa Seoul. Hinihintay ako. Sasalubungin ko sana siya ng yakap ng bigla siyang nahimatay.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon