Chapter 14:

3.9K 120 3
                                        

Ezekiel's POV

Nagpa group activity yung teacher namin na masungit. Mas ok na 'to no, kesa discuss siya ng discuss ng mga nakakaantok na bagay.

May kumatok sa pinto ng room namin. At dahil lumabas sandali yung teacher namin eh pinapasok na namin yung kumatok.

Si Jezriel. Graduate na 'tong babaeng 'to eh. Pero ayan, laging nandito sa school pagkatapos ng klase niya.

Kilala naman namin siyang lahat, at tuwing ganitong oras talaga eh nandito yan. Minsan nga kahit naglelecture yung teacher naming masungit eh nakiki seat in yan eh. Kala niya college ang school namin. Kaloka.

"Bakla!" hay, sino pa ba ang tinatawag niyan? Malamang eh ako lang. Ako lang ang DATING bakla dito sa room namin.

Nang makalapit siya sa akin eh agad ko namang binatukan.

"Sabi ko sa'yo wag mo na akong tinatawag na bakla kasi first and last may girlfriend na ako. Grr." natawa naman siya sa sinabi ko.
"Porket may girlfriend, lalaki agad? If I know bet mo si Richard." si Richard ang isa sa mga classmate kong transfer dito na kung bakla pa ako eh masasabi ko ngang yummy.
"Che! Manahimik ka nga." pabakla kong sagot. Hehehe, joke time lang namin yan noh.

Napansin ko naman na papalapit sa amin si Erica, kaya tumayo na si Jezriel at inirapan ako. Hihilahin ko sana siya pabalik ng umangkla bigla sa akin si Erica.

Ayaw ni Jezriel kay Erica umpisa pa lang. Brat daw kapag nakatalikod ako, selosa etc. Ewan ko ba kung sinisiraan lang ako nito pero ano namang dahilan ni Jezriel diba?

"Oh, bakit umalis yun?" kita niyo? Mabait naman si Erica. Siya pa ang pumansin kay Jezriel.
"Ewan ko dun. Tawagin mo nga, may tatanong pa ako eh." sumunod naman siya agad at kinausap si Jezriel.

Pero nakita ko lang na inirapan ni Jezriel si Erica at sabay na silang lumapit dito sa pwesto ko.

Tinawag naman si Erica ng leader nila kaya kami na lang ulit ni Jezriel ang magkasama.

"Bakit ba galit na galit ka sa girlfriend ko?" tanong ko kay Jezriel.
"Naku, kahit sabihin ko sa'yo hindi ka maniniwala." inirapan lang ako ulit ni Jezriel.
"Eh ano bang ginawa sayo?" curious ko lang na tanong. Well, hindi naman sa hindi ako naniniwala pero hindi pa naman nagpapakita ng ganung ugali sa akin si Erica.
"Inutusan mong palapitin ako diba? Inirapan ako, tinawag pa akong baba tsaka--" napatigil siya sa pagrereklamo niya dahil sumingit ako.
"Pffft, bakit di ba totoo? Hahaha." asar ko sa kanya.
"Che, manahimik ka nga. Tsaka binantaan akong wag ka na daw tawaging bakla. Huh! Ako pa tinakot." natatawa na lang ako sa mga pinagsasasabi ni Jezriel.

"Ay nga pala. Nakita mo yung pinagkakaguluhan sa baba?" tanong ko. Syempre dun siya galing eh.
"Hindi masyado eh. Ang daming studyante. Malas niyo lang di niyo makita." asa naman kasi kami noh. Lalo na at yung at yun pa ang teacher namin. Si sir Jonathan. Tsk.
"Edi takas tayo." pag-aaya ko. Hehe, BI.
"Nandun nga siya, tapos takas." ay. Edi siya na magaling magbantay.

Tinulungan na lang ako ni Jezriel sa group project namin. Hanggang sa…

'Let it go~
let it go~
can't hold it back anymore~'

Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang boses na kumakanta mula sa speaker.

Yung boses na yun…

Hindi ako pwedeng magkamali.

Nagkatinginan kami ni Jezriel at agad na sanang bababa ng biglang pumasok yung teacher namin.

Anak ng…

"Jezriel, paki check naman oh." siya na ba yun? Parang naexcite ako at the same time gusto kong maiyak sa malalaman ko.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon