Kabanata 5

10 0 0
                                    

"Na miss kita, Calie! Kaya eto, I'm here at Silay!"

This whoever-this-guy's-name is still smiling from ear to ear while looking at Calie na ngayon ay nakangiti rin at mukhang masaya matapos makita si... Batt? Math? Sino ulit siya?

"Kamusta ang Bacolod, Matt? Akala ko ba busy ka? Bakit nandito ka? Anong meron? Hindi naman siguro birthday ni Mama..." Sunod sunod na tanong no Calie na ikinatawa ng lalake

"Hindi ba talaga pwedeng gusto ko lang bisitahin kayo? Teka nga, nasaan si Tanya?" Tanong ng lalake at sa wakas, naalis na ang mga mata niya kay Calie at inilibot iyon sa paligid.

Sakto naman lumabas sa kung saan si Tanya na may dala dalang tray na naglalagay ng baso ng mga juice na mukhang iser-serve sa kabilang table. Hindi niya nakita ang gawi nina Calie kaya masayang tinawag siya ng lalake.

"Tanya! Hi!" Kumaway siya sa oras na napunta ang tingin ni Tanya sa kanya. She look like she saw a ghost the moment her eyes landed on this guy. Maya maya ay agad niyang binigay sa katrabaho ang tray at walang alinglangan na ngumiti habang tumakbo sa gawi ng lalake upang yakapin ito ng mahigpit.

"Anak ng... Na miss kita!" Rinig namin ang boses ni Tanya na kahit sumigaw na ay mahinhin at maamo parin.

I flinched when Luke suddenly put down his glass of water down the table. Pabagsak iyon at umingay ang baso saglit habang nakatingin sa gawi ni Tanya. Umiling ako saka binalik na lang ang tingin kina Calie.

"May pasalubong ako sainyo syempre! Pati kay Tita Danya at Manay... Pero meron pa akong isang pasalubong sainyo, humihinga at naglalakad yung pasalubong na iyon mga kaibigan ko." Sabi ng lalake at pumutok naman ang tawa ni Colleen sabay hawak sa tyan niya habang and dalawa ay kunot noong nakatingin sa lalake.

The next thing we knew, another guy wearing a backpack showed up. May camera pang nakasabit sa leeg niya at masayang lumapit sakanila.

"Hoy! Kamusta mga alagad ko! Namiss ko kayo mga demonyo!" Dahil malakas ang boses niya ay tuluyan nang napalingon ang mga nandito pero parang ayos lang sakanila. May mga babaeng kumakain rin dito at nang maabutan kong napatingin ang lalakeng niyakap ni Calie kanina ay parang tangang bulateng kinikilig matapos silang ngitian ng lalake. I think his name is Matt?

"Ay... Nagdala ka ng palamunin, Matt?" Bumalik at tingin ko kay Tanya matapos niya iyon sabihin. Bigla namang na offend ang lalakeng may dalang camera.

"Hindi mo sinabi saakin na pupunta rin pala siya dito." Sunod naman ay napunta ang tingin ko kay Calie na seryosong nakatingin sa lalakeng Matt ang pangalan

"Nandito ka pala? Bakit hindi mo sinabi saakin, Colleen?" Seryoso na rin ang mukha ng lalakeng nilingon si Colleen na tumayo ng matuwid

"Is something wrong with them? Do we need to back up, Calie?" Bulong saakin ni Axel pero narinig iyon nina Enzo. Nag kibit balikat ako saka sinandal ang isang siko ko sa sandalan ng upuan at ang isang siko ko naman ay nasa table habang nakatingin sakanila.

"Syempre, dito nakatira si Calie. Alangan naman sa north pole ang bahay neto. Utak mo ginagaha na, Archie." Sagot ni Colleen

"Bakit ka ba nandito? Ayaw kitang makita." Malamig na sabi ni Calie habang itong lalaking may dalang camera ay lumapit sakanya

"Bakit? Ayaw rin kitang makita ah, kung alam ko lang na nandito ka edi sana hindi na ako sumama para hindi na kita makita."

"Edi ipikit mo mga mata mo." Umirap si Calie na ikinatawa ko saglit. Bakit ang cute niya?

Tumalikod na si Calie at dalawang hakbang palang ang nagagawa niya ay muli siyang napatigil dahil nagsalita ang lalake causing her to face him back and....

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon