Kabanata 10

20 2 0
                                    

"Where are we going?"

Nilingon niya ako saka ngumiti saakin na ikinatigil ko saglit. Muli siyang humarap para maglakad palabas ng bahay. Akala ko literal na palabas ng gate pero lumiko siya sa likod ng bahay nila. Sumunod lang ako hanggang sa tumigil siya sa harap ng isang hagdan na gawa lang sa kahoy. Nakasandal ito sa dingding ng likod ng bahay at halatang dito talaga ito nalagay para makaakyat sa bubong.

Bubong.... Aakyat kami?

Napatangin ako hagdan na naroroon, saka sa bubong ng bahay. Napakagat na lang ako ng labi ko at halatang nagsisisi na na pumayag sakanya na sumama manood ng pagsikat ng araw.

Takot ako sa matataas...

"Tara," bumaba ang tingin ko kay Calie na masayang naghihintay saakin.

It's very obvious that she's excited maybe because she has a company for tonight. And seeing her smiling right now made me not want to back out even though I don't like heights. Paninindigan ko na lang yata talaga ito. Hindi naman siguro masyadong mataas?? If she's like this everytime she wants to watch the sunrise then I guess it's safe...

"Okay ka lang?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang napagtantong hindi ako sumasagot

Napalunok ako saka agad na tumango. Trying to find the simple words and hiding my nervous..

"Oo naman. Go ahead, I'll guide you here. " Sabi ko

Napatitig siya saakin saglit bago tuluyang tumango at nauna nang umakyat ng hagdan. Just like what I said, I guided her from below and watched her climb up until she reached the rooftop of the house.

And when it's finally my turn, huminga ako ng malalim. Nagdasal pa ako saglit sa utak ko saka tuluyang umakyat ng dahan dahan. Hindi na ako tumingin sa baba at nasa hagdan lang ang mga mata ko saka pinilit na bilisan ang pag akyat.

Kapag mahuhulog ako at mamatay, sana naman ay hindi umiyak si Axel. At hindi sasabay saakin si Enzo.

And Luke, I hope he'll be fine without me, and he'll be a better version of himself than before. Cole too, I hope he'll finally pursue Medicine since it's his dream since he was a kid. Sana maging masaya ang mga kaibigan ko, sana hindi sila masyadong maapektuhan sa kamatayan-

My goodness. What am I thinking? Siraulo ka rin pala, Rei.

Nang mag tagumpay sa pag aakyat ay halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil nadapo ang mga mata ko sa baba. Huminga ako ng malalim at pilit na alisin ang mga mata ko sa ibaba pero hindi ko magawa. Masyadong mataas... Masyadong nakakatakot...

The roof is not that really flat... Slightly slanting and one wrong move, you'll be on the floor. Probably crying in pain because you injured your feet.

I think I can't.. do this... It's too high... Too scary..

"Andrei?"

Gulat na nilingon ko si Calie na nagtataka at parang nag aalala saakin. Nakatayo lang siya sa harap ko at inaabangan siguro yung pag akyat ko pero dahil napatigil ako ay hindi na siguro niya natuloy ang dapat niyang gawin.

But wait... she called me by my name... She...

Oh damn my heart beat.

"Ayos ka lang ba? Parang distracted ka." Muling salita niya

Inosenteng tumingin naman ako sakanya saka umiling agad. Umiling lang ako kasi nag hahanap ako ng tamang salita na sasabihin sakanya, o baka ibang usapan para hindi na siya mag tanong pa.

"Uhmm... Are you sure it's safe here? I mean uh... We might get injured or uh... Like... Yeah..." Act cool, Rei... Hindi dapat niya malaman na kinakabahan at natatakot ka ngayon

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon