Kabanata 22

14 2 0
                                    

"Bumalik na tayo sa loob ng bahay? O balak mong mag pa luto sa araw?"

Kunot noo kong nilingon si Calie dahil sa kanyang tanong. Maya maya ay bigla siyang natawa habang tinuturo ko. Ngumuso ako at umiwas ng tingin sakanya. Inayos ko na lang ang jacket ko matapos tanggalin ang kamay kong nakayakap sa mga tuhod ko.

"Biro lang... Sayang naman ang puti mong balat." Panunukso niya. Umismid ako saka nilingon siya,

"Maputi ka rin naman ah? Bagay rin iyon sayo dahil magan—" Natigilan ako. Napaawang ang labi kong nanlaki ang mata nang tinignan siya.

Ngunit mas lalo akong natigilan dahil unti unti kong nakita ang paglawak ng kanyang ngiti habang nakatingin rin saakin pabalik. Tinanggal niya ang tingin saakin at nanatiling nakatingin sa harap. Nanatili naman akong nakatingin sakanya dahilan kung bakit nakita ko kung paano sumilay ang araw sa kanyang mga mata. It made me have a sight on her beautiful brown eyes...

"Sir Jacket..." Tawag niya, "Kung ganoon, bakit gusto mo parin ang ulan kahit alam mong umuulan nung nangyari iyon?" Makahulugang tanong niya

"How did you know that I like rains?" Takang tanong ko, ngumiti naman siya saakin,

"Nakalimutan niyo na ba? Naglaro tayo ng kaunting kaalaman sa isa't isa nung nasa fountain tayo.  Iyon yung unang pagkakilala niyo kay Archie at Matt." Sabi niya

Napa 'ah' naman ako... Naalala ko na. Grabe, halos makalimutan ko na iyon. May sinabi nga pala si Axel tungkol sa pagkakagusto naming dalawa sa ulan.

Huminga ako ng malalim at napaisip saglit bago siya sinagot.

"Even before that incident happened, I already love the rain. At sa totoo lang, mas minahal ko ito matapos mangyari ang insidente na iyon," Nilingon ko siya kasabay ng paglingon niya rin saakin, "Kasi pakiramdam ko, tuwing umuulan, narito si El at pinagmamasdan kaming dalawa ni Axel..."

Napangiti siya ng marahan saakin, ganoon din ang ginawa ko. Kanina pa kami nakangiti... Kanina pa kami nagtititigan... At sa totoo lang, hindi nakakasawa.

"Ikaw ba, Bakit ayaw mo sa ulan?" Takang tanong ko.

Nawala naman ang ngiti sa labi niya at agad na umiwas ng tingin saakin. Napaawang ang bibig ko roon dahil parang mali na tinanong ko pa iyon sakanya...

"I mean—"

"Kayong dalawa. Bumaba na kayo bago pa magising ang iba."

Sabay kaming napalingon dalawa kay Tanya na nakahawak sa bubong. Naroon siya sa kung nasaan ang hagdan, dahil ulo hanggang dibdib niya lang ang nakikita namin. Tulad ng dati, walang reaksyon ang kanyang mukha.

"Ano ito, sunbathing?" Taas kilay niyang tanong

***

"Kailan pa kayo nakauwi galing Cebu?"

Troy and I both sat on a bench near their car. Tamad siyang umupo sa tabi ko habang ako ay maayos na umupo. Nilingon ko siya at nakitang nakatingala sa langit. Tapos na rin ako umiyak. Mga dalawang minuto lang naman iyon. It was an unexpected breakdown dahil nandito si Troy. Kung nandito din siguro si Alliyah, baka isang oras rin akong iiyak sa harap nila.

"Last week," He answered

"And you did not call me? We could've hang out!" Pagtatampo ko dahilan kung bakit tinaasan niya ako ng kilay.

"You have an upcoming exam at that time, Steph. I don't wanna bother you," Aniya kaya umismid ako

"How about Alliyah? Does she know you're back in Manila?" Tanong ko at tumango naman siya saakin.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon