Kabanata 38

9 1 0
                                    



"Start managing the business, Andrei. I will be there to guide you as the vice president of the company."

I took a sip from my coffee before looking at Papa and Mama. Nasa office kami ni Papa, I visited them for the first time after seven months since my wife died. I came unannounced. Kaya gulat na gulat sila pagkat hindi naman ako kailanman na lumabas ng bahay. And besides, I'm still mourning. That'll Never end.

"That's not what I came here Papa, you see, I'm about run out of money... Baka wala na akong pambili na gatas ni Steph next month." Sabi ko,

"Goodness, Anak naman. Bakit hindi mo sinabi? We have plenty of money! Para namang yatang inaakto mo na mahirap ka." Sermon ng Mama

"I am poor as a father. But as a child, I'm rich." Sagot ko sakanila, "I'm not going to take money from you. That's not how I want to work for money." Seryosong sabi ko,

"Be more specific about that, Rei. Anong gusto mo, Anak?" Tanong saakin ni Papa, handang pagbigyan ako kaya ngumiti ako..

"I want to work here. Kahit janitor lang, or taga linis ng opisina... taga tapon ng basura, anything. Basta suwelduhan niyo po ako." Magalang na sabi ko

Nabigla sila sa sinabi ko. Halata na hindi nila inaasahan na iyon ang lalabas galing sa bibig ko. Mama couldn't speak, she was still processing something while Papa sat properly and then faced me.

"Anak, why don't you work as my secretary? In that way, tuturuan na rin kita kung paano ang takbo ng business natin. After all, it's time for you to manage our company.... Si Eunice naman ay mahigpit na pinagbawalan ako na huwag ipasa kay Axel ang kumpanya, your cousin wants to work beside his wife. Kaya ikaw na lang," Sabi niya, nag aalala para saakin.

"No, Papa... I really want to work from the very bottom... I want to work hard for my family, for my daughter.... Gusto ko paghirapan lahat... Saka na po kapag malaki laki na si Steph,  yung kaya na niya na wala ako sa bahay, pag aaralan ko na ang kumpanya natin sa susunod.." Sabi ko sakanilang dalawa.

Nilingon ko si Mama, hindi parin siya nagsasalita kaya inabot ko ang kamay niya,

"Please Mama.... Let me work hard for my daughter... I want to work hard so that my dear wife will be proud of me.. so that she won't get worried about us, dahil kaya ko naman pala alagaan ng mag isa ang anak namin.." I begged

Tuluyan nang naluha si Mama. And Papa became emotional too. They agreed to let me work as a janitor at the company. Ayos na iyon, wala masyadong nakakakilala saakin. Just some important people that are my Parents' friends too.

They were proud of me, I just smiled and hugged my parents. I thank them for being supportive for me, I'm really thankful that they're always there for me...


And just like that, for months, I worked so hard. Nag linis ng banyo, mga opisina, nag mop rin ako ng hallway. Araw araw ay iyon ang ginagawa ko. Malaki pa naman ang building ng kumpanya namin pero ayos lang dahil may mga ibang taga linis rin namang at hindi lang ako.


Nag ipon ako ng pera. Kulang pa nga kaya nag hanap din ako ng ibang trabaho sa labas. Naging barista ako sa isang restaurant tuwing sabado. Sa linggo naman ay nilalaan ko ang araw na iyon para makasama ang anak ko dahil pagka sapit ng lunes hanggang biyernes ay balik trabaho nanaman.

Inipon ko lahat ng pera ko, pinagkasya ko at binili lang ang dapat bilhin. Nag ipon na nga ako ng pera sa pag aaral ni Steph, pati na nga rin sa pag ko-kolehiyo niya... Tapos ay pinagtuunan ko na rin ng pansin ang life insurance. Lahat ng pera ko ay kay Stephanie ko lang ginastos. Kahit kailangan ko na ng bagong pantalon, ay nag tiis ako sa mga luma kong damit. Ayos pa naman... Basta may masuot ako pag punta ko sa trabaho.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon