Kabanata 35

8 1 0
                                    



Colleen's POV

Walang hiya. Ang tagal ko nang hindi nag gitara kaya heto, namumula ang mga daliri ko pagkatapos ng performance namin. Inabot na kami ng hating gabi. Unti unti nang umaalis ang mga tao, nagsisimula na rin mag linis ang mga ibang tauhan nung manager nila.

Sina Calie at Archie kasama si Zarie ay naroon sa limang kaibigan nila sa College. Galing Maynila at kaninang umaga lang nakarating ng Silay. Grabe rin, kinaya nilang pumunta dito. Hindi ko naman sila ka close, kaya nanatili akong nakaupo sa bench saka siga kung makaupo at nagpapahinga lang. Si Tanya naman ay hinatid pauwi ng bahay sina Tita Danya at Cholo. Babalik na iyon maya maya.

Pinanood ko si Andrei na kausap yung Manager nila, yung Auntie ni Zarie. Napangiti ako kay gabi, grabe din ang effort na ginawa niya para sa kaarawan ni Calie... Kaya naman pala ilang araw siya wala sa bahay at busy, pinaghahandaan pala niya itong kaarawan ni Calie.

"Napagod ka noh?"

Dumating si Enzo saka tumabi saakin. Inabot niya ang boteng tubig saakin, kinuha ko naman iyon saka uminom muna.

"Sakit sa kamay, hindi na ako nasanay eh," Tawa ko sakanya sabay pakita ng daliri ko, "Tagal ko nang tumugtog... Pulang pulantuloy itong mga daliri ko!" Reklamo ko,

Natigilan ako nang hinawakan niya iyon at hinimas. Ngumuso siya bago bumugtong hininga. Huminga ako ng malalim saka pasimpleng hinawakan ang dibdib ko.

"Sayang, dapat kumanta ka rin!" Giit niya kaya natawa ako,

Kinuha ko ang gitara ko saka nilagay sa hita ko. Nagtatakang tinignan niya ako, ngumisi ako saka nagsimulang mag gitara...

"♪Uso pa ba ang harana, Marahil ikaw ay nagtataka... Sino ba 'tong mukhang gago, Nagkandarapa sa pagkanta, At nasisintunado sa kaba..." Nagsimula akong kumanta, napangisi pa ako dahil bigla siyang natigilan at napatitig saakin

"Mayron pang dalang mga rosas...Suot nama'y maong na kupas, At nariyan pa, ang barkada, Naka-porma naka-barong... Sa awiting daig pa ang minus one at sing-along...." Sumunod ay, isang marahan na ngiti ang binigay ko kay Enzo bago ako sumulyap sa gitara ko saka muling tumingin sakanya,

"Puno ang langit ng bituin, At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw... At sa awitin kong ito... Sana'y maibigan mo, Ibubuhos ko ang buong puso ko... Sa isang munting harana... Para sa'yo," Tumigil ako sa pag strum, napangiti na si Enzo saakin kaya umirap ako sa ere.

"Oh ayan, narinig mo ang boses ko... Quits na?" Tanong ko, tumango siya kaya natawa ako saglit,

Nilagay ko sa gilid ang gitara ko saka pasimpleng tinignan ang mga daliri ko, ngumiti na lang ako. Nilingon ko na si Enzo,

"Ang ganda pala ng boses mo," Sabi niya kaya umakto akong nagyayabang,

"Syempre... Ako pa," sabi ko at sabay kaming natawa.




Luke's POV

"Rei, you should tell the others na uuwi na tayo three days from now. No more extensions... Busy na ang schedule natin by May," Sabi ni Manager kay Rei,

"Then we can still have a lot of time to say goodbye," Ngiti ko kay Rei. Tumango lang siya bago kami nagpaalam kay Manager. She said she's tired and will now go to the hotel and rest. Tutal ay tapos nang maglinis ang mga tao. And our instruments will be safely put back on the truck and then be taken care of by the people that Ma'am Arnie trusts.

"Haah... Pagod na ako," Rei cling onto me that made me laugh, "But I'm happy that they're happy," Bulong niya

"We'll wait for miss karera to come back tapos ay umuwi na tayo. You seem too tired, Rei," I chuckled.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon