Kabanata 18

11 2 0
                                    


Andrei's POV

"You better make your fans scream, boys. This will boost your popularity at alam niyo naman ang goals natin hindi ba?"

Tumango kaming lahat kay Manager. Ngumiti siya saamin at pinagaan ang loob naming lahat. Dahil mas malapit sakanya si Cole, tinapik niya ang balikat nito tapos tumingin isa isa saamin.

"Konting tiis na lang mga alaga ko... Sabay sabay nating abutin ang mga pangarap niyo okay? Cover songs muna tayo ngayon... Next year, you'll finally perform your first ever Music Album." She gave us a genuine smile, giving us an expression like she was proud or remembering some memories that made her emotional.

"Chill ka lang, Manager! Kaya namin ito. Tignan mo, sumisigaw mga fans namin!" Masayang sambit ni Cole

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang concert namin. Second concert here in Silay, and second time we are going to introduce our band. Covering songs for a moment up until we will soon perform our own song which we are currently planning (malabo pa).

Nasa likod kami ng mini stage na ginawa namin. Honestly, It's not a mini stage for me... Dahil malaki iyon at halos sakop ang dulo ng court kung iisipin. But I guess this stage is still small for them dahil tinawag pa nila itong 'mini'.

Naririnig na rin namin ang mga hiyaw ng mga tao. It was many.... Yung iba ay halos magsiksikan na, tapos may mga patuloy na dumarating. Parang wala na ngang lugar ang loob ng court kahit ito ang pinaka malaki nilang basketball court dito. Some of our fans are from here in Silay... Most of them are from Manila.

Hindi ko ito inaasahan. Akala ko ay kaunti lang, but I guess our Manager pulled some strings for our fans from Manila to really come here and support us... This is good, this is better... May mga sumusuporta na saamin kahit last year palang kami nagsimula. At pakiramdam ko ay mas lalo kaming lalawak sa susunod na taon... Encore will be one of the most famous band here in the Philippines... Hopefully...

At baka... Baka lang naman... Makilala ang banda namin sa ibang lugar... At mas lalo kaming sumikat. Unti unti na naming makamit ang mga pangarap namin. This is the best dream of mine.

"Make them love you with your performance and voices boys! Goodluck!" Ngiti saamin ni Ma'am Arnie

Nagpaalam na kami sakanya, mananatili naman siya sa ibaba ng stage at manonood samin. Tulad ng una kami nag concert nung nakaraang araw dito, malawak ang kanyang ngiti at pumapalakpak pa saamin. She was always supportive, she was always believing in us... And I like her about that.. Parang siya yung nanay, kaibigan, at maging kapatid na namin.

Mas lalong lumakas ang sigaw sa oras na umakyat na kami sa stage. Halo halo ang ang mga boses nila lahat. Sinisigaw ang mga pangalan namin pero mas naririnig ko ang pangalan ni Luke. Hindi na ako nag tataka... Siya talaga ang mas sikat saaming lima.

Mas lalong sumigaw ang mga tao dahilan kung bakit ako napalingon sa mga kaibigan ko. Kumaway kasi si Luke at ngumiti sakanila. Tapos si Cole naman na nasa gilid ko ay kumaway rin sakanila.

"Hello, Silay!" Enzo Cheered. Nag echo pa ang boses niya sa mikropono. Humiyaw ang mga tao at sinigaw ang pangalan niya. Natawa si Enzo roon, mahinang tawa na parang nakikipag landian dahilan kung bakit humiyaw muli ang mga tao dahil narinig iyon sa Mic.

"What a flirt!" Cole commented, tinatakpan niya ang mic niya.

Nalimog ang mga mata ko sa ibaba ng stage. Sinusuri lahat ng mga naroroon hanggang sa natigil ang mga mata ko sa gilid, hindi masyadong kalayuan sa stage dahil sila ang nasa harap talaga.

I saw Archie, cheering with the crowd too while holding his camera and aiming it on our direction. Nagtatawanan naman si Colleen si Zarie habang tinuro ang stage. Si Tanya naman ay nakatingin lang saamin. Si Matt ay pumapalakpak.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon