Kabanata 7

12 1 0
                                    



"Nasaan si Colleen? Bakit siya umalis?"

She finally turned her attention to us. Finally, she saw our presence. She now knew that we are here after being too occupied on Philip... And on what the Doctor said. Finally, she now landed her gaze to me.

Pagod siya ngunit nakuha paring lumapit saamin, more like to Tanya to ask the question she just asked earlier.

Natahimik si Matt, umiwas ng tingin at sinubukang ayusin ang kunot niyang mukha para hindi mabisto ni Calie. Tanya on the other hand, gave Calie a serious yet calm look.

"Inaway ko."

My eyes went to Tanya right after she answered to Calie. It amused me how she honestly answered her friend, on how she admit that she said harsh things to Colleen earlier. Maging si Matt ay malungkot na ngumiti kay Tanya, marahil ay nagpapasalamat parin dahil sinabi niya ang totoo kay Calie.

Nagulat saglit doon si Calie, tila umawang pa ang labi at hindi alam ang sasabihin ngunit maya maya ay huminga siya ng malalim saka makahulugang tinignan si Tanya.

"Tanya naman..." Pagbabanta, pagod, pagaalala niyang sabi. Halo halo iyon, masyado na siyang pagod para makaalam pa ng panibagong problema.

"Ano nanaman ba ang sinabi mo? Hindi mo ba talaga kayang isarili na lang yung hinanakit mo? Kaibigan mo iyon..." Malumay niyang sabi na ikinaismid ni Tanya

"Calie... Ayos lang, sinundan naman siya ni Enzo. Hindi naman yata niya pababayaan si Colleen." Singit ni Matt, may halong alinglangan ang boses.

Nilingon siya ni Calie saglit saka binalik ang tingin kay Tanya, puno nang pagbabanta at pagaalala ang mga mata. Hindi ko alam kung mabuti ba ang ekspresyon na iyon o kung dapat ba ako kabahan. Nanatiling nakatayo lang si Tanya, hindi nagpapaapekto sa titig ni Calie pero ilang segundo ang nakalipas ay bumugtong hininga siya saka tumango kay Calie na para bang naintindihan niya ang mga tingin ni Calie.

"I'll apologize to her only when I finally mean it." Madiin niyang sabi ngunit hindi parin nawawala ang pagiging mahinhin nito.

Walang nagawa si Calie kundi ang tumango na lang sa kaibigan niya.

"Ano ang nangyayari dito?!"

All of our gazes turned back only to see a middle aged woman together with a man behind her, approaching our direction. I heard Tanya hissed on my side, not pleased with the presence of this woman.

Tuluyan na siyang nakalapit saamin, Philip stood up and panicked as he walk towards the woman who stopped infront of Calie.

"M-Mama.." tawag ni Philip

Hindi siya nilingon ng babae at nanatili ang nakakatakot na titig kay Calie. It was so serious and intimidating, full of authority and probably burning Calie dahil parang may nagliliyab na apoy sa kanyang mga mata.

"You... Ungrateful lady who keeps on hitting on my son... Wala ka bang hiya at dignidad?" Puno ng pang iinsulto ang kanyang boses.

My jaw suddenly clenched when after hearing her said those words to Calie. Parang may kung ano akong nararamdaman sa loob ko na gusto ko na lang sambatan ang kung sino man ang matanda na ito.

Nilingon ko si Calie na parang hindi naapektuhan sa sinabi nito, at first, she respectfully submitted her formality to this woman through greeting her by slightly bowing to her. Hinayaan lang na magsalita ang babae, bago humanap ng tyempo na sumagot sakanya.

"Good afternoon, Madam... Tumawag saakin si Philip kaya po ako narito ngayon. Nag alala po ako kay Patricia at-"

"Ofcourse you will immediately answer my son's call. Siguro kahit ay itanan ka nito ay Oo ka rin agad. And so? What difference does it make? nandito ka man o hinde ay wala ako pakialam, Callithea. I never approved you anyway," She cut her off. Standing straight, holding her purse, giving full authority and womanly tone,

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon