Huling Kabanata

20 0 0
                                    


"Calithea, Makaun na ta."


Agad kong pinunasan ang mga luha ko atsaka umaaktong may hinahanap pagkat alam na alam kong nasa likod ko si Tanya at nakatingin saakin.

Tumayo na ako saka lumingon sakanya at tipid na ngumiti. Naroon naman ang kalmado ngunit may halos pagkaseryoso sa mukha niya. Hindi siya nagsalita nung una, pero maya maya ay bumugtong hininga siya.

"Anong problema? May masakit nanaman ba?" Tanong niya saakin kaya pilit na ngumiti ako muli.

Lagi namang may masakit saakin. Wala nang pinagbago.


"Hm. Masakit ang akong dibdib. Pero okay na, kaya ko." Sagot at nauna nang lumabas ng kwarto saka tumuloy sa hapag kainan. Kawawa naman ang bahay, tanging dito sa itaas na lang ang nagagamit... Maging ang kusina ay gumawa na kami dito sa itaas...


Naroon na si Colleen kumakain. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang atensyon sa pagkain na nasa harap ko kahit alam kong napapatingin siya saakin.


"Nga pala, pwedeng susunod na lang ako sa palayan? May ihahatid kasi na mga turista si Cholo sa airport ngayon eh.. nagpapasama siya saakin," Biglang sabi ni Colleen kay Tanya

"Ano? Kailangan ka doon. Ikaw yung bihasa sa pag aani saating tatlo. Alangan naman si Nanay ang gagawa 'non." Sabi ni Tanya, halata na dismayado sa naririnig.

Naintindihan ko si Tanya. Sa aming tatlo ay siya talaga kasi ang maiksi lang ang pasyensa niya.

"Pasyensa na... Kulit ni Cholo eh, gusto may kasama.  Panigurado akong dahil sa may nga bagaheng bubuhatin iyon!" Tawa niya ngunit wala kaming narinig kay Tanya kung hindi ay bugtong hininga.

"Ako na lang ang sasama kay Cholo." Sabi ko nang hindi tumitingin sakanila. "Maliligo lang ako."

Maya maya ay tumayo na ako saka nilagay sa lababo ang plato ko bago naglakad palayo sakanila.


"Calie! Tara na!"


Nilingon ko si Cholo saka tumango na at bumalik sa loob ng kotse. Nag text pa si Tanya na buong araw sila doon sa palayan bago tumuloy sa cater kaya sinabi kong mauuna na kami ni Cholo sa kainan.

Meron kasing nag reserve sa Kainan ni Manay. Galing daw Maynila na dumayo sa Silay. Bukas ng gabi pa naman gagamitin pero sisimulan na namin ang pag lalagay ng mga gamit doon mamayang gabi.


"Magbubukas ba tayo, Calie?" Tanong ni Cholo.


"Oo. Tutuloy dito si Mama, pero mamayang hapon tayo magbubukas. Ngayong umaga ay linisan muna natin ang kainan." Sagot ko tumango lang siya sabay punta sa pinaka likod ng kainan,

Pumasok ako ng kusina saka hinanda lahat sa lamesa ang mga putaheng gagamitin ko sa pagluluto. Kaya naman namin, maliban kay Mama at Cholo, may mga trabahador din kaming kasama dito kaya ayos lang kung wala sina Tanya.

Umupo ako saglit saka nag hiwa ng mga sibuyas at bawang para madali ang gagawin mamaya.

Sunod ay lumabas muna ako saglit at tumuloy sa cashier para buksan ang kabinet sa baba at kumuha ng apron saka trapo panglinis ng mga table. Si Cholo naman ay lumitaw na habang may dala dalang mga table cloth.

"Ako na dyan, Cholo. Paki sundo na si Mama." Utos ko sakanya.


Maaga pa, ilang oras pa ako nag linis doon hanggang sa napagod ang mga kamay ko kaya umupo muna ako saglit at nagpahinga. Tutal ay mapapagalitan ako kapag nakita ako ni Mama na pinapapagod ang sarili.


Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon