Kabanata 23

15 2 0
                                    

Tanya's POV

"Hayaan mo na. Hindi naman sila makakaabot eh. Uuwi na nga diba sa susunod na araw?" Sarkastikong sabi ni Colleen kay Archie

"Sayang naman kasi, Colleen." Kamot nito sa ulo

Concert na nila bukas ng gabi. At mukhang uuwi na talaga sila sa susunod na araw. Maiiwan na kaming anim dito. Babalik na sa dati, na para bang may dumaan lang na hangin na nagbigay kasiyahan saamin tapos agad ring nawala.

Kahapon, madami ang mga nangyari. Dumating sa Silay si Ma'am Javier, buong hapon na nagkwentuhan dito sa kainan, tapos pagod ang lahat pag gabi nang makauwi ng bahay.

Akala namin ay mag pra-practice na ang banda ni Andrei para sa kanilang concert ngunit bukas pa raw iyon. Halos walang magawa ang lahat kaninang umaga sa bahay. Nag aya ng tour ride itong si Colleen pero sa hindi malamang dahilan, parang nanlulumo si Zarie at sinabing matutulog na lang raw siya sa kwarto buong araw. Babawiin raw ang tulog na hindi niya nakuha habang puyat na nag aaral sa ibang bansa.

Sinungaling. Mukhang may nangyari sakanya kaya iyon ganoon.

Sakto namang tumawag si Manay, marami rami daw ang mga customers kaya nangangailangan siya ng tulong. Sinabi ko iyon kay Colleen at Calie, dahilan kung bakit narinig ng iba at biglang naging pabibo at gustong tumulong rin.

"Ako mag linis ng mga lamesa!" Taas kamay ni Enzo,

"I'll serve the food to the customers! Miss waitress, teach me!" Masayang sabi naman ni Cole

"If you need strong arms, I can help!" Ngisi naman ni Luke

Tinignan naman namin si Axel at Andrei. Nanatili silang tahimik at nag kibit balikat saamin.

"Basta makatulong! Sa kusina na lang ako. I'll help Calie," Taas kamay naman ni Matt

Nalipat ang tingin ko Andrei at nakitang umigting ang panga niyang tinignan si Matthias. Umismid ako.

"Ayaw niyo ba talaga mamasyal na lang? Madaming magagandang tanawin ang Silay..." Takang suhestyon ni Colleen sakanila.

"We wanna help!" Pamimilit nila

Nagkatinginan kaming tatlo nina Calie at Colleen. Bumugtong hininga ako saka tumango. Napahiyaw naman sila sa saya.

At ayon na nga, kaninang umaga hanggang tanghali ay madami ang mga tao. Ngunit nahimasmasan na iyon ngayong hapon kaya nakukuha nang mag chismis nitong si Archie. May suot suot pa siyang apron habang hawak hawak ang mop na dapat ipanglinis niya ng sahig.

"Anong hindi makakabot?"

Lumapit si Enzo saamin. Nasa cashier kasi kaming tatlo habang sina Andrei, Axel, Luke, at Cole, maging itong si Enzo ay naglilinis ng lugar. Iba ang taga buhat ng upuan, iba naman ang taga walis at tapon ng basura.

"Chismoso mo talaga!" Bulaslas ni Archie sakanya

"Grabe ha! Ikaw pa talaga nag sabi niyan?!" Sabat ni Enzo

Nag mop si Archie, mga limang usog paharap at likod lang iyon bago napakamot sa ulo niya at inis na nilingon kami. Lumapit ulit siya saamin bago suminghot ng sipon niyang wala namang sipon. Blankong tinignan ko siya,

"Pare, hindi niyo ba talaga kayang manatili dito? Kahit isang linggo pa?" Tanong niya kay Enzo

"Archie." Banta ko.

"Ewan ko... Hindi pa namin nakakausap ulit si Manager." Nguso ni Enzo, "bakit ba kasi? Ayaw mo akong umuwi? Aba aba... Miss mo na agad ako?" Ngisi ni Enzo saka inakbayan si Archie

"Ulol. Sa mukha mong iyan? Mga labing limang araw palang pero sawa na ako!" Siniko niya si Enzo na tumawa lang.

"Kaarawan na si Calie sa susunod na linggo. Sayang at hindi niyo maabutan..." Malungkot na sabi ni Archie

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon