Kabanata 31

9 1 0
                                    

Azariella's POV

When night came, saktong pag labas ko galing sa bathroom ay dumating na sina Tanya. I immediately run upstairs at nakita si Axel na nag aayos ng mga unan sa sofa. He got confused with my reaction pero lumapit lang ako sakanya,

"They're home! Tanya's here. What do I do?!" Nag papanick kong tanong sakanya

Kumunot naman ang noo niya saka tumingin sa hagdan bago tumingin muli saakin.

"Say sorry, I guess?" He answered

Para akong natatae na naiihi. Umiling ako sakanya at nag panic muli lalo na't naririnig ko na ang ingay sa baba. Napalinga linga ako sa paligid bago ako lumingon muli kay Axel na nakatingin lang saakin.

"Let me hide in your room! I'm not yet ready to see my friends. Lalo na si Tanya!" Pabulong na sigaw ko sakanya bago ako tumakbo sa kwarto nila ni Andrei at nag tago doon. I heard him calling my name pero hindi na ako lumingon pa.

When I got inside, mahigpit pa ang ko sa tuwalya ko bago ko naisipang ilagay ang tainga ko sa pintuan para marinig ang mga kaibigan ko. May mga naririnig naman ako pero hindi ko gaanong mapakinggan ng mabuti.

I sighed deeply and lean back on the door saka napapikit ng sandali. I'm not yet ready to talk to Tanya. What happened two nights ago is still fresh on my memories. I know that I hurt her... And maybe she's mad about it that's why I still can't face them. Yes, I want to fix this fight but I also don't know how.

I opened my eyes and finally realized my mistake. I freaking went inside a men's room!

Namula ang mukha ko at biglang nahiya sa sarili ko pero nawala lang agad iyon nang pinagmasdan ang loob. The room is very neat, there's Andrei's electric guitar neatly placed on the left side of the bed, nadoon naman sa gilid ang mga bagahe at gamit nila, and the bedsheets and pillows are clean too.

But what caught my attention was some things on the mini table here inside their room. Because of my curiosity, lumapit ako roon para makita ng mabuti ang mga gamit na naroon. May keychain na piano, and it's obviously Axel's keychain. May wallet din roon but what caught my attention is the small picture beside that wallet.

There were three young people on it. Two of them are familiar. Naka uniform silang tatlo at mukhang sa school kinuha ang litrato. On the left side, there's teenager Andrei, smiling widely. Nakalabas pa nga ang ngipin niya at halata sa litrato na masayang masaya siya. It felt new and a bit different. Iba kasi ang itsura at expression ni Andrei na kasama namin kaisa sa Andrei na nasa litrato.

Sa right side naman, there's Axel. There's a headphones hanging on his neck, maliit lang ang ngiti niya pero kakaiba iyon. I've never seen those kind of smile... Yes, I've seen him smile but this one's different just like Andrei's. Halata sa litrato na masaya sila, na parang walang problema sa buhay.

Nasa gitna nila ang isang babae na mahaba ang buhok. Her uniform is a bit messy, nakaakbay siya kay Andrei at Axel habang hawak hawak niya ang I.D niya sa kanang kamay niya. She was smiling but a little bit smirking like some gangster or something. Morena siya, her eyes are the things that I really caught. Maganda iyon, maganda siya...

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, napahawak pa ako sa dibdib ko at natulala saglit kay Andrei. Maging siya ay nagulat sa presensya ko at halatang hindi makapagsalita.

"Oh? Natigilan ka yata, Rei? May multo ba sa loob?" Rinig kong tawa ni Enzo,

Nagtataka si Andrei at naka kunot pa ang mga kilay niya na nakatingin sakanya. I placed my index finger on my mouth to give him a sign to keep quiet. Tumaas naman ang kilay niya roon bago bumugtong hininga,

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon