Kabanata 11

13 2 0
                                    

As I went inside our room, I sat on the edge of the bed and waited for Enzo to come in. When he finally did, nakayuko lang ito at dumeretso sa mismong harap ko. Probably already knew why I called him.

Axel went inside seconds after Enzo did, I know he's looking at us curiously pero hindi ito nagsalita at nanatiling nakatayo malapit sa pintuan.

Tinignan ko ng maigi at seryoso at ngumungusong si Enzo, I know he's regretting something. By the way he act right now is obviously that he's guilty. Knowing Enzo, he'll probably cry like a baby any minute now kaya bumugtong hininga ako at kumalma muna bago magsalita.

"You shouldn't have done that," Panimula ko

Mas lalo siyang yumuko pero dahil nakaupo ako ay nakikita ko parin ang konting espasyo sa kanyang mukha. Ngumuso siya lalo at nalungkot lang rin.

"Enzo, we are at someone's house. Hindi ba dapat gumalaw tayo sa mabuting paraan? Shouldn't we behave ourselves if we are at someone's territory?" Mahinahon ang boses ko pero sinigurado ko paring seryoso ang pananalita ko.

"Ayos sana kung tayo tayo lang, Enzo. I would even let you ran inside the house, teasing each other and throwing each other some things. Pero nasa bahay tayo ng taong hindi natin masyadong kilala pa. And what you did back there was very inappropriate and embarassing for Cole. Nakita mo naman siguro ang kanyang reaksyon, hindi ba?" Tanong ko sakanya at mahinang tumango naman siya

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumayo ng matuwid si Axel saka pinag-krus ang kanyang mga braso. Knowing that gesture, I bet he's starting to have an idea on what happened. At sunod nito ay pangangaralan niya rin ang kaibigan namin.

"And also, it really is embarrassing dahil dalawang babae ang nakita sakanya. Although it was a joke, pero Enzo, may oras na pwede kang mag biro, may oras rin na dapat hindi. Mahihiya ka rin naman at maiinis kapag hinubaran ka rin Cole tapos nakita ka ni Colleen, hindi ba?" Seryosong tanong ko muli

Inangat niya ang tingin niya saakin, nang makitang seryosong seryoso ako ay umiwas siya saka tumango muli.

"And based on what I have observed, you two look like you just woke up. Anong nangyari, Enzo?"

Huminga siya malalim saka unti unting inangat muli ang mukha para makasagot sa tanong ko. Puno ng pagsisisi at dismayado ang kanyang mukha. Lumunok pa nga at napakamot pa sa batok niya.

"Tinulak ko siya kasi nakayap siya saakin. Hindi ko namalayan na malakas pala kaya nahulog siya sa kama at nagising. He thought it was an earthquake and I saw the panic and concern in his eyes while he went back to me to wake me up kahit gising naman ako."

Muli siyang bumugtong hininga. Halata na nagsisisi talaga siyang paglaruan si Cole.

"So I took that opportunity to make fun of him. He eventually knew that it was a joke kaya hinabol niya ako hanggang sa labas ng kwarto. That's when you saw me pulling his pants down. H-Hindi ko naman kasi alam na gising kayo, Rei..."

Nilingon ko si Axel at ang dissapointed niyang mukha na seryosong nakatingin kay Enzo ang nakita ko. Umiwas na ako roon saka binalik ang tingin kay Enzo.

"Mali talaga ang ginawa mo, Enzo. I believe even in other situation, kahit tayo tayo lang, papagalitan parin kita. Kasi hindi ka dapat nagbibiro sa bagong gising lang, and Cole looks so tired back there. I mean, everyone is obviously so tired... Not again, Enzo." Matalim kong sabi at tumango naman siya saakin

"Sorry talaga, Rei... Hindi ko sinasadya..." Panunuyo ng boses niya

"Say sorry to Cole and not on Andrei, Enzo. Why, si Andrei ba ang hinubaran mo?" Prangkang salita ni Axel

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon