Kabanata 25

17 1 0
                                    

Azariella's POV

Hindi ko magawang pumasok at umakyat sa bahay. Matapos kong mag walk out kanina, napatigil na lang ako sa pag lalakad at tumitig sa loob ng bahay up until my feet started walking again and it guided me at the back of their house.

Napatingin tingin ako roon... May tila hagdan na parang papunta sa itaas ng bubong ngunit hindi ko na iyon pinansin na lang. Sunod kong nakita ang mga bulaklak. They're all beautiful and well taken care of but honestly, this is not the right time to admire them.

Sunod ko namang nakita ang isang pahabang bench na gawa sa kahoy. I pouted and avoided my gaze on that chair. Nanatili akong nakatayo at nakatitig sa kawalan. I'm trying to calm my self down but I couldn't. I feel like I got betrayed... They lied to me, they kept things from me... And it's very unfair on my side.

Now that I end things with Tanya, mas lalo akong ngumuso sa inis dahil agad ko iyong pinagsisihan. Pabagsak akong umupo sa lupa bago pinatong ang mga braso ko sa tuhod saka sinandal ang mukha ko roon para tahimik na umiyak.

I didn't mean that... I don't want to lose my friendship with Tanya. Pero kasi sobra naman yata siya kung makasalita kanina. I'm like this because I couldn't understand them. I don't exactly know what made her hate Colleen so much... Tanya could've hate Philip, maybe she do... Pero bakit mas ramdam ko ang galit niya kay Colleen?

Inangat ko ang ulo ko at tahimik na pinunasan ang mga luha ko. I mean, I could cry louder dahil magisa ko lang naman dito sa likod ng bahay at madilim ng kaunti, pero mas pinili kong umiyak ng tahimik.

Nang sumagi sa isip ko ang lahat ng mga sinabi ni Calie kanina, tears begun to fall again nonstop. Napahawak na rin ako sa dibdib ko at napahikbi ng tahimik. It hurts... My friends were suffering in different ways tapos hindi ko manlang alam.

I suddenly heard a noise... Hindi ko na iyon nilingon dahil akala ko mga insects lang o hangin pero nang may tumayo sa harap ko, inangat ko ang tingin sakanya.

Lumuhod siya para magpantay ang paningin namin sa isa't isa. I saw a worried expression in his face. It was so obvious, it was so visible and it made me felt things inside me.

Next thing he did, he gently held both of my arms and slowly pulled me to stand up. Hinahayaan ko siyang gawin niya iyon saakin, pagkatapos ay unti unti niya akong inalalayan sa lumang bench dito sa likod ng bahay. Nilisan niya pa muna iyon bago ako pinaupo.

Tahimik na humikbi ako habang nakatingin sakanya na lumuhod muli sa harap ko. The next thing he did, nakita kong tinali niya ng mabuti ang shoelace ng sapatos ko. How irresponsible of me, hindi ko manlang namalayan na hindi pala iyon nakatali ng mabuti.

Umiwas ako ng tingin sakanya sabay punas ng luha ko gamit ang aking mga palad habang siya ay umupo sa tabi ko. I don't know why he's not talking, but honestly, it felt peace.

"Should I feel happy?" I asked him, nilingon naman ako, "Ikaw ang unang lumapit saakin. You're not rude anymore, huh?" Taas kilay kong sabi

He sighed, "I'm sorry..." Mahinang sabi niya saakin

"Yeah.... Baka ako talaga yung mali. Baka hindi lang talaga ako deserving maging kaibigan... My friends kept secrets from me, they let me out of some problems that I can actually help with, tapos ikaw... Halatang ayaw rin saakin." Tumitig ako sa kawalan habang unti unti nanaman akong umiiyak

"Ikaw lang ang nagsabi niyan." Sabat niya saakin kaya mahinang tumawa ako sabay punas ng luha ko

"Pero halata naman diba?" Nilingon ko siya, naabutan ko siyang nakatitig saakin na sandaling nagpatigil saakin.

"Why are you saying things that will obviously hurt you? Why are you lying to yourself? Hindi ba sinabi mo na 'You think words can't hurt? It more worst than actions.'?" Kalmadong tanong niya saakin. Dang it, how can he be so calm even in this kind of situations.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon