Kabanata 24

12 1 0
                                    

Andrei's POV

"Hays. It feel so weird seeing her all quiet and not being talkative..."

Napatigil ako sa pag kukuha ng tuwalya at gamit ko saka kunot noong nilingon si Axel. Nakatutula siya habang nakaupo sa dulo ng kama. Nagtaka ako lalo kaya naglakad ako sa harap niya upang mapagtantong hindi niya ako napapansin. Ako ba ang kausap niya?

"Axel." I called him. Nagulat naman siya saakin,

"What? May sinabi ka ba?" Tanong niya

I was about to answer him pero sabay kaming napalingon sa pintuan. May naririnig kaming ingay sa labas dahilan kung bakit kami napatingin sa isa't isa bago sabay na lumabas ng kwarto.

Nabigla ako nang makita ang eksena. Calie's mother, pinsan ni Colleen, and then there's Luke. Parang naiimpit sa sakit si Calie, tapos galit ang ekspresyon ng Nanay niya habang nakahawak sa pulso niya na tila bang hinihila niya si Calie.

"Ma'am please calm down! You're hurting Calie!" My eyes went to Luke, pilit na hinihila pabalik si Calie at parang stress na kung makausap sakanila.

"Anong nangyayari?!" Lumabas ni Colleen at Tanya at tulad ko, nagulat rin sila sa nakita. "Hoy Cholo! Ano ito?!" Sigaw ni Colleen

"Tulungan mo na lang ako pakalmahin si Tita!" Saad ni Cholo. Parang na s-stress na rin.

"Ma, masakit po!" Nabalik ang tingin ko kay Calie. Suddenly, parang gusto ko g pumunta sakanya pero parang napapako ang mga paa ko

"Masakit? Masakit?! Mas hihigit pa iyan, Caliethea! Ano, babalik ka na ng musika? Tutugtog ka na? Hindi pwede!" Because of her loud voice, napalabas na rin ang iba.

"Mag impake ka na kung ayaw mo ako ang gagawa! Uuwi ka na sa lola mo! Doon ka na titira kasama ko!" Sigaw nito at muling hinila si Calie

"Mama! Nakakahiya na sa iba— aray ko po!"

Sabay kaming naglakad ni Axel palapit sakanila. Axel immediately went near Luke at tinulak niya ito para siya ang pumalit sa pwesto ni Luke. Ako naman ay mahinang tinulak si Cholo at hinarap ang Mama ni Calie.

"Ma'am, Sinasaktan niyo po ang anak niyo," Magalang na sabi ko sakanya. Kalmado lang ako bago ko tinignan si Axel na sinuri ang kamay ni Calie.

And then I saw his faced softened and then forced the hands of Calie's mother to let go of Calie. Napalunok ako saglit sa ginawa ng pinsan ko. At nang mag wagi siya, agad niyang tinago si Calie sa likod niya. I even saw Calie's shocked face when Axel did that. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakabitaw na ang Mama ni Calie sakanya.

"This is an inappropriate action, Ma'am. You are hurting your daughter." Mahinahong sabi ni Axel,

Natahimik ang lahat. Nabigla naman ang Mama ni Calie sa ginawa namin. Maging si Cholo ay parang hindi inaasahan na sumingit kami sa away ng mag ina. Ofcourse, even though I won't move, Axel will surely butt in. Violence isn't his thing. He despise it.

"Mga iho, naiintindihan kong nag aalala kayo kay Caliethea pero hindi ito ang oras na sumabay kayo! Ang akong nanay dito, at labas na kayo sa usapan!" Galit niyang sabi saamin.

Muli siyang lumapit kay Calie. It was too late for Axel to prevent Calie's Mother to touch her again dahil nahawakan na niya muli sa pulso si Calie at pinilit na hinila. Hindi pa sila nakakatatlong lakad, nagpipigil na si Calie sakanya.

"Makinig ka saakin, Caliethea Elara! Hindi na dapat kita pinatira pa dito. Masyado akong naging kampante, iyon pala ay sinusuway mo na naman ako! Musika? Babalik ka sa musika?! Hah! Tumigil ka!"

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon