Kabanata 27

15 2 0
                                    



Colleen's POV

Pinanood ko siyang mag lagay ng panyo sa sahig, inayos ayos niya pa iyon matapos tumayo muli bago nakangiting nilingon niya ako. Tinuro niya ang lupa kung saan naroon ang panyo niya,

"Umupo ka dyan!" Maligayang sabi niya.

"Pwet ko lang kakasya dyan!" Tawa ko sakanya dahilan kung bakit natawa rin siya saakin,

"Pwede naman akong umupo sa sahig," Aniya tas biglang umupo sa tabi ng panyo, nakaharap siya sa kung saan tanaw ang malawak na palayan tapos ay nilingon ako, "See? I'm sitting just fine!"

Napatitig ako saglit sakanya, bago tuluyang naglakad palapit at umupo sa panyong inilaan niya para saakin. Tinaas ko naman ang mga tuhod ko at napayakap roon sabay dungaw sa kawalan ng palayan nina Tanya... Narinig ko naman ang malakas niyang bugtong hininga dahilan kung bakit ako napalingon kanya,

"Malalim na ang gabi... Nagpapahinga na ang mga tao kaya siguro walang masyadong kotse ang dumaan... Pero heto tayo, natanaw sa kagandahan ng lugar na ito," Sabi niya habang itinataas ang kamay at parang hinawakan ang palayan nina Tanya sa kalayuan,

Napangiti ako roon at tumitig ulit sa palayan... Inangat ko rin ang madilim na kalangitan, bilog na bilog ang buwan at may mga bituin na unti unting nagsisilayasan sa hindi malamang dahilan...

Huminga ako ng malalim saka yumuko saglit... Biglang sumikip ang dibdib ko dahilan kung bakit ako napapikit saglit...

Ilang oras akong ganon, dinadama lang ang hangin kasi naninikip ang dibdib ko, pinakiinggan ang katahimikan ng gabi kahit nagiingay sa sakit ang tibok ng puso ko....

"Alam mo...." Binuksan ko ang mga mata ko sabay tingin sakanya, "Minahal ko si Philip..." Pag aamin ko sakanya...

Hindi niya ako nilingon. Nanatiling nakaharap siya at biglang nanahimik sa tabi ko. Malungkot na ngumiti naman ako sa kawalan habang mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa mga paa ko.

"Pero hindi iyon ang buong kwento, Enzo..." Halos pabulong kong sabi kasabay nang paglingon niya saakin.... "Hindi iyon ang buong kwento..." Pag uulit sabay lingon sakanya,



"Hi, Azariella! Ang ganda mo talaga.... At ang galing mo pa kumanta... At ang talino mo.... Gusto kita!"

Tinikom ko ang bibig ko at pinigilan ang sarili na tumawa. Pangatlong lalake na ito ngayong araw. Wala na bang mas ikakarami pa?!

Natigilan roon si Zarie at awkward na tumawa sa lalakeng biglang nag amin ng kanyang munting pagibig kay Zarie. Ni hindi nga namin siya kilala eh!

"I uh... I'm so sorry... You seem nice and... Well mannered but sad to say, hindi ako interesado... Sorry!" Mabait na sabi ni Zarie sa lalakeng biglang nanlumo, nag sorry ulit si Zarie bago ako hinila palayo roon.

"Seryoso, pwede bang maging pangit and nobody na lang? I don't this kind of spotlight." Reklamo niya saakin na ikinatawa ko lang,

Palabas na kami ng campus. Tutuloy na sa apartment ni Matt at Archie dahil doon kami madalas nag p-ptactice. Tutal ay malaki laki naman ang espasyo sa bahay nila, doon na lang napag pasyahan na mag ensayo para sa mga gig namin.

Sumakay kami ng jeep at tumungo na sa bahay nina Matt. Hanep din itong si Zarie, pwede naman siya mag pahatid sa kotse niya pero sumama parin saakin, ayan tuloy, tingin ng tingin sakanya ang mga lalake dito sa jeep. Tusukin ko kaya mga mata nila?

Pagbaba ng jeep, sabay kaming naglakad papasok sa loob ng bahay. Nakarinig kami ni Zarie ng ingay, tawanan at parang kulitan kaya binuksan ko na ang pinto para makapasok kami.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon