Kabanata 26

11 2 0
                                    




Tanya's POV

"Wow naman, tinapos mo talaga lahat ng project mo sa tatlong araw?!" Bulaslas ni Archie saakin, mahinang pumapalakpak pa habang hindi makapaniwalang tumingin saakin.

"Para wala nang gawin bukas. And also, these projects are just easy, Archie." Sagot ko

Naglalakad kami palabas ng UP. Mas malapit ang classroom namin ni Archie kaya madalas kaming magkakasabay pag lumalabas na. Tulad ngayon, naabutan niya akong dala dala ang mga projects ko na iuuwi ko na dahil tapos nang icheck. Sa kasamaang palad, dadalhin ko nanaman bukas dahil gustong ipakita ng prof ko sa ibang students.

Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong pamilyar na lalake at babae sa ilalim ng puno. Nagtatawanan at halos magkalapit ang mukha.

Naramdaman ko naman na napatigil rin si Archie sa paglalakad at binalikan ako sa huling pwesto naming dalawa.

"Anak ng... Si Kurt iyan diba? Sinong kalandian ng mokong na iyan?" Rinig kong galit sa boses ni Archie,

Nanatili akong nakatitig sa dalawa sa hindi kalayuan. Hanggang sa, hinawakan ni Kurt ang mukha ng babae. Sunod ay pinanood ko siyang ilapit ang mukha sa babae, na para bang hahalikan niya ito.

Biglang nanlabot ang mga tuhod ko, dahilan kung bakit halos mapaluhod ako sa sahig at akmang kakapit sana kay Archie ngunit natigilan ako dahil nakita ko na siyang mabilis na naglakad papunta sa gawi ni Kurt.

"Archie!" Sigaw ko,

Sunod ko na lang nakita ay kinuwelyahan niya si Kurt bago sinuntok ng malakas. Napabitaw ako sa mga gamit ko at tumakbo palapit sakanila. Pinigilan ko agad si Archie dahil sa ginawa niya.

"Gago ka! Niloloko mo pala ang kaibigan ko!" Sigaw ni Archie sakanya at muling hinawakan ang kuwelyo ni Kurt, agad akong nag panic lalo na't may napapatingin na saamin

Nagulat si Kurt nang magtama ang paningin namin. Ang babae naman ay hindi alam ang gagawin, nagugulat rin ang kanyang mga mata.

Tinignan ko ang babae at biglang natakot nang tumingin saakin pabalik. Maya maya ay parang lumuluha ang kanyang mga mata sabay umiling saakin.

"Hindi ko alam... Oh my god.. How dare you, Kurt!" Sabi niya saakin pagtapos ay lumapit kay Kurt at pinaghahampas ito,

"T-Tanya... Magpapaliwanag ako!" Lumapit saakin si Kurt at hinawakan ang kamay ko. But then Archie immediately pushed him away from me,

"Huwag mo nang lalapitan ang kaibigan ko, pare... Kung ayaw mong suntukin kita ulit. Manloloko ka!" Sigaw sakanya ni Archie bago lumapit saakin para inilayo ako roon.

Habang papalayo, naririnig ko rin ang sigaw ng babae na mukhang sinasaktan si Kurt dahil parehas kaming walang alam na niloloko na pala ako ng taong akala ko, ako lang ang mahal.

Kinuha ni Archie ang mga gamit na nahulog ko sa sahig kanina, maging ang bag ko ay kinuha niya saka sinuot, dahilan kung bakit dalawang bag na ang suot suot niya ngayon, bago ako hinarap at tinignan.

"Halika ka na, Tanya... Gusto mo sabihin ko sakanila na pagod ka na? Bukas na lang kayo tumuloy sa gig," Mahinang sabi niya

Inangat ko ang tingin sakanya at pilit na ngumiti. Tahimik kong kinuha ang ibang gamit ko sakanya para hindi na siya mahirapan bago umiling bilang sagot.

"Huwag na, sayang yung kikitain ng banda. Tara na, naghihintay na yung mga iyon," Tawa ko sakanya at hinila siya

Magaling akong magtago. Isa iyon sa mga gusto ko sa sarili ko. I know how to control and hide my feelings, I know when to keep a secret or not...

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon