Kabanata 28

13 1 0
                                    




Andrei's POV

At first, I didn't know where to go. Pero habang tumatagal, nagiging pamilyar ang daan saakin but it's not enough for me to be expert on roads. Lalo na't baguhan lang naman ako dito sa probinsya nila.

Pero nandito na eh, ako naman ang humila sakanya paalis sa bahay nila kaya paninindigan ko na lang itong desiyon ko. And it's fine. Kaisa naman hayaan ko siyang umalis ng magisa kanina... That would make me regret.

"Lumiko ka sa kanan,"

Napasulyap ako ng sandali sakanya bago agad na binalik sa daan ang mga mata ko. It was the first time she talked after being silence for a long time.. at gaya ng sabi niya, lumiko lang rin ako ng daan sa kanan at dumeretso ng pagmamaneho. Seconds later, pinaliko niya ako ulit at walang imik na sinunod ko siya hanggang sa unti unting naging pamilyar saakin ang mga daan. We've been here before.

Tinigil ko ang kotse sa mismong harap ng gate. Turned off the car engine and then slowly going outside right after Calie went out of the car. Tahimik akong nagmasid sa mga susunod na gagawin ni Calie. She gave a glance on the gate before starting to walk and open it to go inside. Sumunod naman ako sa likod niya at hinayaan siyang maglakad hanggang sa makalapit siya sa harap ng fountain.

The first time I came here, it was day. Pero ngayon, gabi na. Walang ilaw ang nagsisilay sa bahay dahil siguro sa walang nagbabantay kaya umaasa na lang kami sa kaliwanagan ng buwan. Sapat na iyon para makakita kami, para makita ko ang fountain. And it was still beautiful like the last time I saw it. Lalo na't narito muli si Calie sa harap ko, sa harap ng fountain.

Umupo siya sa damo, sa harap ng fountain, at pinagmamasdan ito. Unti unti akong lumapit sakanya, but the difference between our position, umupo ako sa fountain habang nakaharap sakanya. Nakatingin ako sakanya habang siya ay nakatanaw lang sa tubig na dumadaloy sa fountain...

We were like that for minutes, maybe almost an hour. Basta ang alam ko ay matagal kaming ganoon. Nanatiling tahimik, walang nagsasalita, tanging tunog lang ng ibon ang naririnig. And some times, I can hear the sound of the crickets too.

Nararamdaman ko ang lamig ng hangin, but I did not bothered it too much. Wala kasi akong suot na jacket so I can easily feel the cold of the night... Calie is probably feeling cold too, sadly, hindi ko siya matutulungan.

"Si Lola, pinakasalan niya si Lolo dahil first love niya ito... At dahil mahal na mahal nila ang isa't isa..." She suddenly spoke that made me look at her, nanatiling nakatanaw siya sa harap, "Tapos si Mama naman, first love din nila ang isa't isa ni Papa... At sobrang nakikita ko kung paano sila magmahalan..." Ngumiti siya ng tipid,

"Just when I thought that I could also marry Philip... Kasi first love ko rin eh... And I loved him so much that I honestly thought.... We can have a future together..." Kahit madilim, nakita ko parin kung paano tumulo ang luha niya...

Sumikip ang dibdib ko at nasaktan dahil umiiyak nanaman siya... How I wish I can make her feel better pero malabo... Masyado siyang nasaktan... Hindi ko kayang ayusin iyon agad agad, she's too buried deep down that I'm finding it hard to bring her up again..

"Ang dami kong binago para sakanya... Ang dami kong pinalitan na mga bagay na gusto ko pero dahil ayaw niya, iniba ko... Mahal ko eh... And I thought, he just wants the best for me.." Sabi niya at tuluyan nang umiyak. Tumigil siya saglit para punasan ang luha niya at sa wakas, binigay na niya ang titig niya saakin.

"Sa tingin mo, pagmamahal pa ba iyon o katangahan? Yung, binabago mo ang sarili mo para magustuhan ka niya lalo... Yung iniwan mo ang gusto mo kasi hindi niya iyon gusto para sayo... Was that love, Andrei? Or was I being a fool?" Tanong niya saakin, puno ng kaguluhan at sakit ang mga mata niya dahilan kung bakit ako umiwas ng tingin.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon