Kabanata 9

15 1 0
                                    

"Happy birthday Calie! Ihipan mo na yung candle! Dali na! Hoy dali na sabi!"

Some of us laughed dahil sa narinig namin galing kay Archie. It was clearly his voice. And maybe because he was holding the camera too. Pinapanood namin ngayon ang tape ng mga events na na record noon ni Archie noong nasa Maynila sila. Dahil hindi pa inaantok halos lahat, we decided to find something to atleast kill some time.

At itong si Archie ay kasalukuyang nagdala ng mga tapes and recordings ng kanyang camera, kaya ito, pinapanood na nga namin ngayon ang mga videos.

"Matanda ka na talaga! Kulang na lang puti na buhok mo hahahaha!"

Boses muli iyon ni Archie. Sa video na plinay ni Archie, naghihintay sila sa pag dating ni Calie, at sinopresa nila ito kasabay ng pagsalubong ng cale at mga balloons sakanya na ikinagulat niya. Mukhang isang bahay ang lugar, hindi ako sigurado dahil nakatutok kay Calie ang camera.

Nagulat siya roon at hindi agad nakapag react, pero maya maya ay napangiti ng malaki saka inihipan ang kandila.

Pumalakpak sila sa video, niyakap si Calie at pinuri. But what made me notice is her awra. Her style. It was very very from the style she has now.

Lugay ang buhok niya, may konting make up akong nakikita, naka pantalon at may suot na rock star design na damit. May suot pa nga siyang mga bracelet at may hawak na drumsticks. May suot rin siyang bag na parang panglalake pero pambabae naman.

Ang astig niyang tignan sa video. Kumpara ngayon na mala babae talaga ang awra.

"Thank you! Hindi na sana kayo nag abala,"

Tumawa roon si Calie. Mukha siyang masaya, maliwanag ang mukha, marunong mag biro at makipag bangayan, nakikipag laro siya sa video, tipikal na babaeng masiyahin at walang problema na hinaharap.

From sitting beside Axel here at the long sofa, I slowly turned my gaze to Calie who was standing near the balcony. Katabi niya si Tanya at parehas silang naka sandal sa isang malaking kabinet sa likod nila at nakatingin lang sa din sa TV. Wala siyang reaksyon, hindi rin ganoon kaseryoso. Tila may iniisip o baka nag babalik tanaw sa video na nakikita niya ngayon.

I can't read her mind, nor her expression. What is she thinking right now? Is she happy? Or does she want to stop the video from playing? Is she okay with this?

"Si... Philip? Wala pa ba siya? Akala ko kasama niyo siya ah?"

Nilingon ko muli ang TV. Doon ko nakita ang mukha ni Calie na parang may hinahanap. Natahimik naman ang mga taong nasa video. Gumalaw saglit ang camera at doon namin nakita sina Tanya, Colleen, Matt, maging ang isang babae na hindi pamilyar saamin.

Bumalik ang focus ng camera kay Calie na biglang natahimik nang mapagtanto na wala ang hinahanap niya. Not until another girl went to her and wrapped her arms to Calie's arms. Ngumiti ito ng malapad.

"Caliethea, let's wait for him. He'll be here. For now, mag celebrate muna tayo! Let's play! I want to sing!"

Maligaya ang boses nito, from what I have observed she easily lessen the tension. Nakuha niya agad ang atensyon ng lahat at parang gumaan ang pakiramdam ng lahat dahil sakanya. Para siyang expert na kapag awkward ang situation, kaya niyang gawing hindi awkward.

The clip ended, tumayo si Archie at tumikhim bago nag lagay ng ibang tape saka ibang video naman ang lumabas.

It was Matt, hinarap niya ang camera sakanya saka kumunot saglit ang noo.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon