Kabanata 30

9 1 0
                                    

Enzo's POV

Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba siya o itetext na lang. Nahihiya ako sa hindi malamang dahilan pero parang okay lang din saakin. Kasi naman, dapat confident tayo para mag bati na ang mga girls. Sabi pa nga ni Archie, limang araw na lang ay karaawan na ni Calie. Kaya dapat, bago sumapit ang mahiwagang birthday ni Caliethea ay dapat friends na ang mga girls. Para happy.

Huminga ako ng malalim saka napakagat sa labi ko. This is it, ito na talaga... Tatawagan ko na siya.

"Miss mo na ako agad, lata? Tsk tsk tsk... Malala ka na,"  Wala pang limang ring ay sumagot na agad siya

Para akong nanghina at napaupo na lang sa sahig. Alam kong pinagtitinginan ako ni Cole, Andrei, at Matt pero wala na akong pakialam. Hindi ko na mapigilang mapangiti at halos gumulong gulong na sa sahig habang tinatakpan ang bibig. Oo nga noh, malala na siguro ako.

"Hello? Nandyan ka pa ba? Baka patay na ito... Hello???" Muling salita niya kaya tumayo ako ng matuwid bago tumikhim para ayusin muna ang lalamunan ko.

"A-Ah... Saan ka?" Muli akong umubo ng malakas dahil biglang namaos ang boses ko. Nakita ko naman na tumatawa si Cole kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah! Nasa puso mo syempre."


Eh? Hehe. Parang tanga...

Bigla akong napangiti na parang aso at napatakip ng mukha ko gamit ang kaliwa kong kamay dahil alam kong namumula na ako. Bakit naman ganito si Colleen? Teka, si Colleen nga ba ito?! Parang tanga eh...

"Ulol. Kilig 'toh siguro. Bakit ka ba napatawag? Busy ako!" Ngumuso ako dahil parang naiirita ang boses niya. Napakamot ako sa ulo,

"Umuwi ka na dito. Miss ka na daw ni Archie," Ngisi ko at sakto naman lumabas si Archie sa kwarto niya at nagtatakang tinignan ako dahil narinig niya ang pangalan niya.

"Saka na. Nagsasaya pa ako dito...." Sabi niya bago ko narinig ang ibang tao na nagsalita sa kabilang linya, "Oo, saglit lang!.... Oh siya, alis na ako, lata.. bye!"

"H-Hoy teka lang!" Hindi na niya iyon narinig, binaba na niya ang tawag kaya masama ang tingin ko sa cellphone ko bago bumugtong hininga at nilagay iyon sa bulsa ko.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nag aabang saakin. Umiling lang ako sakanila at mabuti naman ay naintindihan agad nila iyon dahil halata sa mukha nila na nadismaya sila.

Hindi ko na sila pinansin dahil napunta sa ibang bagay ang atensyon ko. Si Luke na kakakyat lang ng hagdan. Hawak hawak ang susi ng kotse niya habang naglakad palapit sa sofa at binagsak ang sarili doon.

"Nakauwi ka na agad, bro? Where's miss karera?" Tanong ni Cole sakanya,

"Yun na nga eh. When I arrived at the Manay's Kainan, sarado ang lugar. And there's no one inside." Sagot niya kaya kumunot ang noo naming lahat,

"Paano na iyan? Wala si Colleen, tapos si Tanya, missing in action din." Kamot sa ulo ni Archie

I agree. Si Axel na lang ang pag asa namin. If he fails to convince Zarie na umuwi dito, e'di goodbye na lang sa plano namin. Tsk! Simpleng plano na lang nga, mahirap pa gawin! Mga pakipot ang mga girls na ito, ayaw umuwi.

"Baka naman nasa palayan..."

Sabay kaming anim na napalingon kay Calie na lumabas sa kwarto niya habang inosenteng tumingin pabalik saamin. Napaawang ang bibig ko roon, si Matt naman at Andrei ay napatayo habang ang iba ay napatuwid ng upo at nabigla sa presyensa ni Calie.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon