Kabanata 20

14 2 0
                                    

Luke's POV

Everyone enjoyed our lunch together. Nang bumalik si Calie kasama si Matt, agad akong umaaktong may ginagawa. It feels not good if I give Calie a stare... To be honest, I was offended but I guess she was right.

Hindi naman talaga kami mag tatagal dito. Nag papalipas lang ng oras. Maybe this feelings of mine is not that serious. Maybe she's right, mas mabuting huwag ko nang ituloy itong nararamdaman ko. For the sake of myself, not getting hurt. Damn...

Almost everyone is laughing. Nangunguna si Archie na kunwareng sinusubuan niya si Calie ng kanin. Nadidiri naman itong iniwasan ni Calie.

"Say 'ah', Calie ko! Parating na ang jeep!" Sabi niya at inangat muli ang kamay niya

"Ano ba yan, Archie!" Nandidiring sabi ni Calie na ikinatawa namin, umiiwas siya sinamaan ng tingin si Archie

"Kadiri ka tol! Isubo mo lang kaya iya—"

I almost spit out my food when Archie gave the food on his hand inside Enzo's mouth without him finishing his sentence. Natawa kami roon ngunit nangingibabaw ang tawa ni miss waitress. Halos mabulunan na nga siya eh.

"Huh? Ano? Isubo ko sayo? Oh ayan... Ngumuya ka lang, Enzo..." Ngisi ni Archie

Sinamaan ng tingin Enzo si Archie pero ang mas nakakatawa ay sinasamaan niya ito ng tingin habang ngumunguya ng pagkain na sinubo sakanya ni Archie.

Nasa harap kasi naman sila. Si Zarie, Calie, Archie, Enzo, Colleen, tapos si Matt. Habang dito naman sa kabilang lamesa ay Ako (kaharap ko si Zarie), then Cole to my side, Rei, Axel, and then there's Miss karera on Axel's side.

Pasimple akong sumisilip sakanya, nakita ko namang napa iling iling siya kina Enzo. I smiled and just drink my orange juice.

"Grabe, tawang tawa. Oh isda!" Agad na sinubo ni Enzo ang isdang hawak niya sa bibig ni Colleen na napatigil sa pag tatawa

All of us laughed because Colleen gave Enzo a death stare and had no choice but to chew the fish. But then seconds later, bigla siyang umubo at nabulunan. Nawala naman ang ngiti sa mga labi namin at nag aalalang tumingin kay Colleen.

Marahan niyang hinahampas ang dibdib niya at sinensyahan niyang kumuha ng tubig si Enzo. Nag panic naman si Enzo at agad na naglagay ng tubig sa baso. Uminom si Colleen roon.

"Hala ka, Enzo..." Pananakot ni Archie

"Hala miss waitress I'm sorry, Are you okay? Hindi ko sinasadya—"

Napatigil si Enzo sa pagsasalita nang biglang sinubuan rin siya ni Colleen ng manok. Kung kanina ay isda ang nakain ni Colleen, ngayon naman ay manok ang kay Enzo. It's a chicken feet.

Napa 'oh' ako roon at natawa. Hindi na maipinta ang mukha ni Enzo at kinuha ang manok galing sa bibig niya. Ngumingisi naman si miss waitress saka matapos uminom ng tubig.

"Karma mo iyan, ulol." Sabi niya na ikinatawa ng iba

We continued having fun. Lahat na lang ay pinakialaman ni Archie. Maging si Rei na nananahimik ay tinarget niya rin. Kesyo ngumanga raw ito dahil parating na ang jeep na may dalang masarap na inihaw na isda. Naglakad talaga si Archie sa kabilang lamesa dahilan kung bakit nagsimulang maglakad palayo si Rei. Up until he started running dahil hinahabol na siya ni Archie.

"Archie! Please stop!" Desperadong pag mamakaawa ni Rei habang tumatakbo dito sa bakuran

Halos mawalan na ng hininga ang iba sa kakatawa. I laughed too but I can't go more far on my laugh dahil sumasakit na ang tyan ko at naubo na dahil sa kakatawa.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon