Kabanata 17

12 2 0
                                    




Andrei's POV

"Galing galing talaga ni Rei! Halata na gusto ako ang unang kumanta!"

Nakaakbay parin siya saakin kahit hanggang papalapit sa gawi ng mga kaibigan namin. Pawis na pawis ako, sobrang pagod at hinahabol parin ang aking mga hininga. Mahina kong tinulak si Cole palayo saakin, natawa naman siya roon.

"Congrats mga ulol!" Bungad ni Archie saamin. Umabang pa siya na makipag high five saakin pero hindi ko siya pinansin at itinuon ang atnesyon sa iba.

Lumapit na rin sina Enzo. They all congratulated us, hindi naman ako umimik at umupo lang sa gilid. Nanatili silang kaunting malayo saakin at nag kwekwentuhan.

Nag dadalawang isip pa ako kung gagamitin ko ba ang dulo ng damit ko bilang pamunas sa pawis ko, o ang likod ng kamay ko na lang pero kahit ganoon, saan ko naman pupunasan ang pawis na napunta sa kamay ko?

"Pare? Ito oh, may ekstrang towel ako dito..."

Kunot noong nilingon ko kung sino iyon at natigilan saglit nang malamang si Yhuri iyon. Malawak ang ngiti niya habang inaabot saakin ang isang malinis na pamunas. Doon ko rin nakita na may dala dala na siyang maliit na bag, at may makasabait na towel sa balikat niya.

Napatingin ako roon at tumingin ulit sakanya. Muli niyang inangat ang towel, naghihintay na abutin ko kaya sa huli, kinuha ko iyon.

"Salamat..." Saad ko

Dahan dahan kong pinunasan ang mga pawis ko. Umalis naman siya sa harap ko maya maya. Sinundan ko siya tingin at nakitang nakikipag usap na kay Paolo at Colleen.

Lumapit naman si Calie sakanila, pinanood ko siyang ngumiti kay Yhuri at nakipag high five pa.

Umiwas na ako ng tingin at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko. Ang init.

"Well atleast you feel hot now. Hindi yung parati kang nilalamig." Lumapit si Axel saakin at bahagyang natawa

"Tsk. Pakiramdam ko ang baho ko na dahil sa pawis," Sabi ko at sandaling namoblema

"That's normal. Since when you saw someone smelling good after showering from sweat?" Sarkastikong tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin

Lumapit sina Matt at Zarie saamin. Maging si Cole ay lumapit na rin saamin. Napaangat ako ng tingin sakanila pero binalewala lang rin sila at nag punas muli.

"So ano, Rei? Ako na, okay? I wanna sing the first lines!" Masayang sabi ni Cole matapos umupo sa tabi ko. Verse. I'll let him sing the first verse.

"That was a good game, Andrei!" Puri ni Zarie. Ngumiti naman ako ng tipid sakanya.

"Grabe, ganyan ba talaga kayo sa tuwing may gusto sainyo na kumanta? Kami nga kapag may gig, planado mabuti." Takang tanong ni Matt

"Hindi naman sa ganoon, Matt. We really did plan on this concert. Pero kasi yung kanta namin sa susunod na araw, ay bukas pa namin ipa-practice. Kaya ayun... Gusto kong kumanta!" Maligayang sabi ni Cole. Napatango tango naman si Matt.

Sunod sunod naman lumapit saamin ang iba. Maging sina Paolo at Yhuri ay nakisali, habang ang iba nilang kasama ay naroon sa hindi kalayuan, nakikipag usap sa mga hindi ko kilala.

Tumayo ako upang iharap si Yhuri, sinulyapan ko naman si Calie sa gilid niya pero hindi na ako tumingin muli at tinuon na lang ang atensyon kay Yhuri na ngumiti nang makita ako.

"When can I see you again? I'll give this back to you after I wash it." Tanong ko, pinapakita ang towel niyang madumi na dahil sa mga pawis ko.

"Ano daw?" Takang tanong niya, tinagilid pa ang ulo at bahagyang bumulong kay Calie.

Sunset of TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon