ZOE's POV
Maaga akong nagising dahil maaga din naman akong nakatulog ka gabi. I was bored and decided to cook for myself and also for my patient here na ang sarap pa ng tulog.
Sa gitna ng aking pagluluto, siya namang paggising ni Emrys. He was calling me but I didn't answer. I'm pretty busy making this work. I want this to be pretty delicious.
"Hey, what are you doing in there? Ba't hindi ka sumasagot? Bingi ka ba?!" sigaw niya.
"Hindi po ako bingi! Nagluluto po ako dito para may makain yang anaconda sa tiyan mo!"
"Sigurado ka ba diyan sa ginagawa mo?" I was trying not to listen to him. Isturbo eh. Nagfofocus nalang ako sa niluluto ko pero ang ingay niya pa rin. "Baka naman nagbibiro ka lang diyan? Mukhang hindi ka nga marunong magluto. Talagang ambisyosa ka lang. Kapag yan hindi masarap, ewan ko nalang talaga."
"Kapag iyang bibig mo hindi tatahimik, babasagin ko talaga itong bote ng suka sa pagmumukha mo!" inis na sigaw ko rito dahilan para mapahinto ko siya kakasatsat.
Ang ingay-ingay kasi! Nagluluto yung tao eh! Makasabi pa siya ng ambisyosa, hindi naman niya alam kung interesado ba ako dito sa ginagawa ko. Gusto ko lang din naman magtipid. May mga gulay din kasi dito. Sayang naman kung hindi ko gagamitin o hindi man lang makakain. Kawawa yung mga gulay.
Matapos ko siyang sigawan at takutin hindi na talaga ako nakarinig ng salita galing sa bibig niya hanggang sa matapos ako sa pagluluto. Effective din pala itong bote ng suka. Wala eh! Kapag hindi ako makakapagpigil talagang ibabasag ko talaga yun sa pagmumukha niya.
- - -
Katatapos ko lang magluto at syempre hinanda ko na ito para kainin, alangan naman i-display 'di ba?
Ewan ko ba. Ba't parang hindi naman maingay. Parang biglang nawala yung baliw na 'yon.
Hindi ko na siya hinanap. Kumain nalang akong mag-isa. Ayoko rin namang kasabay siya. I might just lose my apetite.
Ilang minuto lang, habang kumakain ako, laking gulat ko sa biglaang pagbukas ng pinto. Nabulunan pa nga ako eh.
"T-t-tubig!" asik ko. Nabulunan talaga ako tangina!
Nagmadali rin naman siyang binigyan ako na tubig. Wow ha! Concerned citizen ang peg!
"Siraulo ka ba? Gusto mo ba na mamatay ako? Ba't bigla ka nalang sumusulpot dito at hindi man lang nagparamdam ng kahit isang katok man lang!" sabi ko.
"Wala eh. Medyo natakot ako kanina. Umalis nalang ako, baka mabato mo pa ako ng bote ng suka!"
Taena! Medyo natawa ako sa sinabi niya. Lalo na yung binaggit niya yung bote ng suka. Gagi!
"Akala ko ba natakot ka? Ba't naisipan mo pang bumalik dito? Anong gusto mo ituloy ko na?"
"Tsk, takutin mo pa yung multo, imposibleng matatakot ako sa mga paandar mo— Hmm, anyway, sinadya ko talagang bumalik dito para tikman iyang niluto mo. I bet, it's pinakbet. Never tasted it before. But I wanna try it now."
"Sandok na ng kanin. Umupo ka nalang dito. Sabay nalang tayong kakain total hindi pa rin naman ako tapos."
Nagmadali siyang nagsandok ng kanin at mabilis na umupo kaharap ko.
Para pa akong nagpapafree taste dito sa harap niya. Talagang gusto niyang tikman yung luto ko kasi obvious naman sa mga mata niya na pakiramdam niya masarap talaga yung luto ko.
Pero, mas masarap talaga 'tong kamao ko. Masarap 'tong manuntok. Kahit si Manny mahihirapang makailag nitong suntok ko.
"Not that bad. Masarap naman... Marunong ka naman palang magluto. Kaya pala ayaw mong iniisturbo ka."