ZOE's POV
Gabi na akong nakauwi galing sa mall dahil lang naman sa isang punyetang isang oras pa bago dumating dahilan para maghintay kaming lahat doon sa loob.
Walking through the dormitory building is kinda creepy lalo na wala masyadong poste sa mga daanan bago makarating sa campus.
Lowbat na yung phone ko. No music will cover up the fear that I am feeling right now. Dinaan ko nalang ito sa kanta.
Habang naglalakad, I'm spitting different words, making my own song, creating some floating instrumental in my head to cover up my fear.
This what I'm doing until nakarating na ako malapit sa dormitory entrance.
While walking out from school, heading towards the alley, I saw some dark figures that made my curiousity
and my body lean closer to it.I'm hearing something like, parang may magsusuntukan.
As I approached closer and closer, I saw this poor man being ganged up by other four men.
Nang nakita ako nang isa, napahinto sila. Our eyes made this contact dahilan para makilala ko ito. At hindi ako pwedeng magkamali, siya yung nakasalamuha recently ni Emrys. Si Rick. Siya nga!
So, may possibility na si Emrys yung binubogbog nila. Hala ka!
Hindi ko muna ito inalam, nagmadali akong tumakbo upang humingi ng tulong. At dahil papalapit na rin naman ako sa dorm building, dumiretso na ako sa mga guards.
"Mga manong guard, tulungan niyo po ako. May nakita po akong lalaki doon, pinagbubogbog ng iba pang mga lalaki." nahihingal na asik ko. Medyo nawala na yung kaba ko kanina pero pinalitan din naman ng takot at kaba.
Ganon na nga. Bumalik ulit yung kaba. Tangina!
Nagmadali kaming puntahan yun at itinuro ko sa kanila, and when the guards saw the chaos, they started whistling their whistles dahilan para mapatigil sina Rick at dahilan na rin para mapatakbo ang mga ito.
Nagmadali kong pinuntahan yung lalaking binubogbog.
It's really him! It's Emrys! Puno ng pasa yung mukha niya and he's like bloody.
I carried him as I came closer. He look so fucked up, even his face. Parang nahihirapan na siyang dumilat.
"Kailangan nating tumawag ng ambulansya!" natatarantang sabi ko sa isang guard.
"N-no! Please!" aniya habang nanghihina ang boses nito.
"Anong no? Ayaw mong magamot? Aba, kung ayaw mo naman pala sana hindi nalang ako tumawag ng tulong para tinuluyan kana ng mga gagong yon"
"Ayokong magpahospital, Zoe- P-please, just for once. I'm begging you, please take care of me" nanghihina ang boses nito habang binabanggit ang mga katagang iyon.
"Okay... Uhm, manong guard? Pwede ho bang doon ko muna siya dadalhin sa kwarto ko? Ngayon lang din naman. Aalagaan ko lang 'to"
"Wala namang problema hija. Sabihan at tawagin mo lang kami kung kakailanganin niyo ng tulong" nakangiting anito.
Nagpatulong na ako sa kanila upang dalhin si Emrys sa room ko. Timing din at wala si Lesley ngayon. Nagpaalam na rin siya sa'kin kanina eh. Ang sabi niya pupunta daw siya sa asawa ng tatay niya na hindi naman daw niya asawa pero asawa naman daw sila.
Ay, ewan. Isa pa yung gagang yun. Pati utak ko nagloloading na rin ng dahil sa kanya.
- - -
"A-aray! Dahan-dahan din naman, Zoe. Nais mo lang din yatang makaganti sa'kin e." si Emrys habang ginagamot ko yung mga sugat niya.