CHAPTER 29

41 8 7
                                    

ADRIAN's POV

Kanina pa ako nalilito dito kung ano ang gagawin ko kay Sam.

Hindi naman siya nakakainis kapag nalalasing kasi hindi siya umiiyak-iyak, pero ang ingay niya. Sobra!

Alam ko, may pagkamahinhin siya eh at hindi kailanman makikipag-usap ng ibang tao kapag hindi siya inuunahan, pero ngayon iniwan pa niya ako at nakichika sa kabilang table na para ba'ng ilang taon niya ng mga kaibigan ang mga ito.

Sunod ako ng sunod kahit sa'n man sya pumupunta, hawak-hawak niya parin yung iniinom niya.

"Baka masikip pa yan bhie ah!"

"Anong masikip? Gago! Hindi! Never been destroyed pa naman, pero , ready to get beaten na siya!" anito sabay malakas na humalakhak.

Tumayo na naman siya at natatawang tiningnan ako bago iniwan na muli at pumunta na naman sa kabilang kanto.

Habang sinusundan ko siya, may nakasalubong akong naghahalikan at sigurado akong nakita rin niya ito.

Di inaasahan ay bigla siyang natumba, na kaagad ko rin naman nilapitan dala ng pag-aalala kung mapapaano pa siya.

Hindi ko na kasi dapat siya pinayagan na uminom. Lagot talaga ako kay Zoe nito, kung hindi man si kuya bradon.

"Sam naman! This is enough, umuwi nalang tayo. Marami pang ibang panahon para dagdagan mo pa yan" saad ko dito. Natatawa naman siya at pinisil-pisil ang pisngi ko. Matamlay ang mga mata niya kaya't alam ko na dala na rin ito ng kalasingan niya.

"Cute! Pero, I still wanna have MORE!!" Nakakagulat talaga yung biglang pagtaas-baba ng boses niya.

Nanghihina na ang katawan niya gaya ng ipinahiwatig ng mga mata niya. Hindi ko na hahayaan mapaparami pa siya ng inom. I need to message someone para puntahan kami dito at para sunduin.

Tanga ko din kasi, may kotse naman ako at naisipan ko pang mag-taxi kami!

"Heyy, look they're kissing! Haha! Try not so SwAlLoW each other yo!" sigaw ni Sam sa dalawang naghahalikan sabay natawa.

-.-

Kaagad ko naman siyang pinigilan at dito na talaga tuluyan na bumagsak ang katawan niya kaya't mabilis ko naman siyang tinayo

- - -

Nandito ako ngayon sa labas, bitbit ang lasing na lasing na si Sam.

Habang hinihintay si Gav, I was looking at him. Ang kyut malasing ng kaibigan ko. Walang kamalay-malay.

Tuluyan na ngang bumuhaghag yung buhok niya. Mukhang nasira kasi yung mala-maleficent na haistyle niya kaya tuluyan ng lumabas ang natural na kulot nito.

Kahit ganoon man na kulot yung buhok niya, hindi ito ordinaryong kulot lang eh. Minsan kasi ang pangit din tingnan pag kulot, hindi naman literal na pangit, yung tipong distrubing siya masyado pero yung kay Sam maganda pa rin talaga eh!

Maganda din naman kasi siya. His face itself could carry whatever hairstyle ang gagawin sa buhok niya. Ganda din ng kulay ng buhok niya. Naturally brown.

^_^

Maya-maya naman ay dumating na yung kapatid ni Elsa.

Pagbaba niya ng sasakyan, kaagad naman siyang lumapit sa'min at diretsong binitbit ang bumabagsak na katawan ni Sam. Nagtulungan kaming buhatin si Sam at isinakay ito sa loob.

Pinahiga namin ito pero parang kami yung nahihirapan sa posisyon ni Sam kasi ang tangkad niya. Haba ng biyas. Mas matangkad pa sa'kin yun eh!

Magsintangkad sila ni Caleb. Pinakamatangkad yata sa'min si Emrys, sunod naman si Gav.

Magically Wounded (Daydream Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now