SAM's POV
Ngayo'y nagmamadali akong bumaba sapagkat hinihintay ako nina Zoe sa campus. And I really had to wear my uniform to know the news. Ghad!
I really thought hindi na kami papasok, kasi nga naubos yung seniors. Feeling ko maraming parents ang naghihintay sa labas at nagrarally regarding sa issue.
- - -
Malayo pa lamang ako ay nakikita ko na silang hinihintay ako sa may kanang banda ng gate sa loob ng campus.
Habang naglalakad ako, parang may sumusunod sa'kin. Bawat ihip ng hangin ay tumatayo ang aking balahibo na para ba'ng tuluyan na ngang binabalot ng misteryo ang paaralang hindi namin inakalang maraming lalabas na sekreto.
Dati ang daming seniors ang magkakasalubong na pumapasok sa loob, ngayon maliban sa mga kaibigan ko ay wala na akong ibang nakikita.
Bigla akong napahinto at napabuntong hininga sa gitna. Hindi ko ramdam ang umaga dito sa paaralan namin. Parang nakakapagpanibago talaga.
"Ang oa mo talaga. May pa hinto-hinto ka pa sa gitna, akala mo naman main character." biro ni Jade at inirapan ako.
"Basag trip ka talaga kahit kailan!"
"Parang baso din pala yung trip 'no? Nababasag! Ehe!" ayan na naman si Cataluna. Ano na naman kayang pumasok sa utak niya.
Hindi ko parin gets ba't kailangan andito silang lahat ngayon. Well, sabagay alam na din naman nila so no more complains nalang. Baka eepal na naman si mareng Jade!
"Wait, where's Gav? Hindi mo siya sinama?" tanong ni Adrian.
"His aunt called him yesterday, at pinapunta siya sa bahay nila. Kanina pa siya umalis. Total wala naman daw'ng pasok, kaya ayun!" I said and smiled.
"B-but, there is! Kaya ka nga namin pinapunta dito for you to know what's happening." si Lesley.
Hindi ko maintindihan ang mensaheng gusto niyang iparating pero parang hindi maipinta ang gulat sa mukha ko nang may makita akong seniors na nagsilabasan sa cafeteria. I was literally in shock like, pa'no?
"A-akala ko tayo nalang yung natira?" gulat na banggit ko.
"Iyon nga rin ang akala namin. Meron pa! May class hours daw today, Gav might marked absent kung hindi siya papasok. Call him and for us to have a meeting later regarding with the surveillance that we're about to do" paliwanag ni Zoe.
Mukhang kumalma na rin si Zoe. Feeling ko she doesn't feel hopeless na in looking up for her sister, kahit ako rin kasi ay malakas ang kutob na walang nangyari sa kanila kasi wala namang patayang naganap. Maliban sa binanggit ni Aj na pinaslang ni Alexandrite, na isa rin sa pinaka-nakakalitong pangyayari.
Kasi nga, kung napatay nga sakali yung anim na lalaki ni Alexandrite, may mga bakas sana ng dugo kaming nakita. Pero wala talaga eh.
Sa ngayon ay malabo pa kaming makakakuha ng sagot pero alam ko may paraan din at ito'y makakamit din. Well, hopefully!
"I'm just gonna text him, I'm sure mabilis naman magdrive yun. Makakarating din agad yun!"
"Dapat lang!" Sapaw ng babae sa likod ko. Agad naman kaming napalingon sa kanya. It's her! Shit, kinakabahan ako.
"Darry! We want to know something about what happened!" natatarantang sambit ko. Too much curiosity and I've been bothered with too much worrying about my bestfriend's sister. Parang ako na yung hindi mapakali at hindi makapaghintay na malaman ang lahat ng pinanggagalingan sa pangyayaring ito.
"Meet me later! There's an abandoned place sa pinakalikod na parte ng paaralan. Let's meet after class!" aniya. She then continued walking at tuluyan ng pumalayo nang hindi man lang hiningi ang nga nais pa namin sabihin.