ZOE's POV
We should always be observant when we're interacting with people na hindi pa natin masyadong kilala. Kapag duda ka, that a person is not an open book, learn how to drive your curiousity into making him closer to you. That's when they will reach you out their point of views
-That Sam's one friend named adrian
I don't know, like gosh. Gabi na, wala ng araw, nakanganga na si Lesley pero nandito pa rin ako. Bukas pa rin ang mata. Daig pa ang tarsier ng bohol!
Hindi ko kasi maaalis sa isip ko yung sinabi ni Adrian. When he was saying those, isa lang naman yung naiimagine ko, and it's Emrys.
That bastard again!
And yes, duda ako na hindi siya open book. Pero, pag-aaksayahan ko ba siya ng panahon? Kailangan ko bang alamin kung ano talaga ang tunay na siya? Yung tipong paano siya malulungkot? What are his weaknesses? What will make him feel bad? Why he has no friends? What is he up to? Why is he living alone? Where's his parents?
Ang dami. Like, sobrang dami ng gusto kong itanong sa kanya na sigurado naman akong hindi niya kaagad na masasagot. O baka nga, wala siyang balak na sagutin dahil ayaw niya talagang magshare about his life.
But the choice is up to me tho. I should care less and stop being nosy about his business nalang. Besides, he's not interested in mine, so why should I investigate or give time about his?
"Haysst! Why are you driving me this crazy?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa itaas.
"Maybe because you're already crazy. Ha-Ha!" biglaang pagsapaw ni Lesley habang nakapikit itong nagsasalita.
Putik! Gising ba 'to? Baka na paralysed na? O baka naman na parasite!
•_•
I was so freaking bored and decided to call Sam to go out for a while.
While waiting for him to answer my call, saglit na akong bumaba.
"Hoyy? Anong oras na? Napatawag ka?" inaantok na anito. Ayts, nagising ko yata siya!
>>.<<
"Gaga! 8:00 pm palang naman... Bitch, I need your help. I'm feeling like a psycho right now..."
"Psycho? Ba't hindi ka tumawag ng psychiatrist? Ako pa talaga naisipan mong isturbuhin e 'no? Sarap na ng tulog ko. Tangina mo." kahit inaantok ang boses nito, lutong parin magmura.
"Hmm... Fleece po! I just need to talk to you about something."
"Tsk, sige na baba na ako. Huwag mo nalang ibaba 'tong call. Ay, ibaba mo nalang pala. Tatawagan nalang kita kapag malapit na ako diyan sa building niyo." anito at binaba na yung telepono.
Nasa labas na ako. Medyo madilim na nga yung daan at parang wala ng tao. Sa laki kasi ng space ng campus namin, parang naging village na yung dormitory building namin.
Medyo nag-alala ako kaya't pumaroon muna ako sa may poste para naman mas mailaw. Hindi masyadong delikado at creepy.
- - -
While waiting for Sam, bigla nalang akong nahilo. Parang nahihirapan akong huminga.
I tried to help myself up para hindi ako magcollapse. I massaged my forehead, bit my tongue and trying to catch atleast a single air to save atleast a breath.
Nung medyo nawala na yung hilo ko, napahinga naman ako ng malalim at saglit na dumilat. Eksakto naman na may nahagip ang aking mga mata at diretsong tumayo yung mga balahibo ko nang may dalawang lalaking nakamaskara na pilit na pasukuin ang isang nakakaawang babaeng umiiyak at takot na takot na. Nakamaskara sila, kinakabahan na ako!