ZOE's POV
I'm still not comfortable seeing Gavin with his arms on Sam's back. They were laughing and looked really sweet while watching movie sa hawak nitong phone.
"What are you guys doing?" biglang umupo si Luna sa table namin at nagtanong kina Sam at Gav.
"Watching movie!"
"Oh God! I love watching movie. One time, we were watching movies with my cousin and I told them to pay attention, pero my other cousins were confuse kung ano daw yung utang namin kay attention, why do we need to pay him..?"
Wait..What?
Walang emosyon naman kaming nakatitig kay Luna na ngayon ay hindi mapakali at kamot ng kamot sa ulo nito.
Bumalik muli sina Gav at Sam sa pinapanood nilang movie. Mukhang tanga lang.
Acquaintance Party pero nanonood ng movie in the middle of the event! Hayst!
"Anong oras kaya inembento yung orasan?" biglaang pagsapaw ni Luna habang nakatingin ito sa taas at para bang nalilito.
Maging kami ay wala paring emosyon na pinagmamasdan siya lalo pa't kung ano-ano nalang pumapasok sa kukuti nito.
"Anong araw inimbento ang kalendaryo?" dagdag pa niya.
Napapaisip din naman ako. Oo nga 'no? Anong araw kaya? Haha!
Ba't parang siya yung tipong parang isip-bata pero may laman lahat ng mga tanong at iniisip niya na talaga namang mapapaisip ka rin dito.
"There's a lot of questions that kept bugging me but I don't know what's the exact answer.." nalulungkot na aniya.
"Can you tell us what are these questions, Luna?" Liam politely asked. She then innocently smiled and was ready to share something.
"Kung may nakikita tayo sa outerspace, may nakakakita din ba sa atin na galing doon?" Ito na naman! Napakamot nalang ako sa ulo ko pero kahit ayaw ay nakikinig pa rin ako sa mga problemang hatid ng utak niyang mani.
"H-huh?"
Hahaha! Natatawa ako sa reaksyon ni Liam na para bang maging siya ay natutulala na rin sa mga isinasambit ni Luna.
"Sino ba kasi yung tamad? Yung inuutusan pero hindi sumunod o yung nang utos?" dagdag pa niya na talaga namang nagpamulat sa aking mga mata.
May point! Pero ang hirap ng tanong. But
"Feeling ko tamad yung nang utos. Kasi, diba? We're completely made with different abilities pero hindi man lang nila magawa ng sila lang?"
"Pero what if yung nang utos is nakapag-utos lang din kasi hindi na niya kaya? I mean, what if yung nag-utos is pilay pero yung inutusan naman ay bulag? Sino yung tamad sa kanila kung susuway yung bulag sa utos?" tanong ni Luna.
Hoy! May point na naman yung scenario niya, nakakainis! Ang dami ko nang iniisip dumagdag pa itong puking-inang mga tanong niya!
Lahat naman kami ay natahimik sa sinabi niya. Maging sina Gav at Sam ay hindi na nakapag-concentrate sa pinapanood nilang movie. Si Caleb naman ay palihim na natatawa. Si Liam ay pilit na pinapakisamahan si Luna dahil alam kong takot siyang isumbong kay Jade. Hahaha!
"One more thing. If a poison will expire, does it make it more toxic and poisonus?"
Okay! Ayoko na talaga. Aalis na ako. Yung utak ko yung napapagod kakaisip ng sagot sa mga tanong niya.
"Try mo kaya uminom ng muriatic Luna, para sa katahimikan namin!" inis na sambit ni Sam. Napayuko naman si Luna at parang naiiyak pa.
"If you want peace, then get out of here!" Biglaan naman sumapaw si Jade at inis siyang nilingon ni Sam.