CHAPTER 36

29 8 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Sa gitna ng madilim na daanan ang wala sa sariling naglalakad na si Zoe. Ito'y para bang nawawalan na ng pag-aasa sa bawat hakbang na kanilang gagawin.

Ngayon ay naglalakad sya sa may bandang gate ng campus kung saan siya'y papatungo sa likod ng building ng dormitoryong panlalaki.

Sa kawalan ay bigla siyang nakadama ng takot nang makaramdam ng lamig na simoy ng hangin. Ipnipinta sa mukha nito ang hindi maintindihan na kaba o pag-aalala.

Segundong tapat lamang ay binalewala niya rin naman ito. Ngunit laking gulat niya nang may biglang malakas na humablot sa braso niya.

Dala ng gulat ay nasampal niya ang binatang akmang humablot sa kanya at pati ito'y nagulat din sa sampal na hatid ng palad ni Zoe.

"Siraulo ka ba?! Ba't mo ba ginawa yun? Akala ko tuloy kung sino ka!" Magkasalubong ang mga kilay ng dalaga habang galit na binibitawan ang mga katagang iyon sa lalaking kaharap niya na walang iba kung hindi si Emrys, na ngayon ay nakahawak sa namumulang pisnge nito at may pag-aalinlangan pa rin sa mukha kung papaano niya haharapin si Zoe.

Matagal bago magsalita si Emrys ngunit ramdam naman niyang pinagbigyan siya ni Zoe dahil hindi siya iniwan nito. Hinablot niya si Zoe ng may dahilan kaya't siya na mismo ang hinintay ng dalaga na magsalita't umimik.

"S-saan ka pala papatungo ngayon?" Kahit interesado'y pilit niyang tinatakpan ang sarili sa pagyuko habang nagsasalita lalo pa't ngayon ay masama pa rin siyang tiningnan ni Zoe.

"Ano naman ang pakialam mo? Tinanong din ba kita tungkol sa paghahanap mo kay Patricia?" Tinaasan siya ng kilay ni Zoe. Habang nakayuko ay napalunok na lamang si Emrys. Lalo pa't, ang inungkat ngayon ni Zoe ay siyang simula ng kanilang maikling alitan.

"Listen, I sincerely wanna say sorry to you Zoe. I was kind of insensitive sa part na mas inisip ko pa siya kaysa mag-alala o tumulong man lang sa'yo" Ito'y nananatiling nakayuko habang nagsasalita at Zoe naman ay huminga ng malalim at mukhang handa namang sagutin ang mga wikang ibinuka ni Emrys.

"Mabuti naman at alam mo ang mali mo. Hindi naman ako masyadong galit. Pero, kung iyan lamang ang pakay mo, makakaalis kana. Wag mo na akong sundan" walang emosyon sambit ni Zoe. Hinarap naman siya ni Emrys suot ang pagsusumamo sa maamo nitong mukha. Ito naman ang ikinagalit ng loob ni Zoe lalo pa't hindi niya ito matitiis.

>>.<<

"Zoe, kahit ngayon lang. Please, I wanna help you." pagsusumamo nito at hinablot ang palad ng dalaga.

"Pagbigyan mo na siya, Zoe. 'Wag ka ng magpakipot" Biglaang pagsapaw ng isang dalaga sa likod ni Emrys na walang iba kung hindi si Patricia.

Napalingon naman si Zoe dito, kahit si Emrys ay napalingon rin. Ngunit, kahit nakangiting sumalubong si Patricia kay Zoe, ang luhang pumapatak sa mga mata nito ang unang napansin ni Zoe. Agad niyang binitawan si Emrys at nagmadaling pinuntahan si Patricia.

"Pat, ba't ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Zoe. Pumeke lamang ng ngiti si Patricia at pilit na ititnatago ang sakit na nararamdaman niya na ngayon ay hindi niya maipalawanag kay Zoe. Mukhang wala rin naman siyang balak na sabihan ang nag-aalalang dalaga.

"Wala lang 'to, ano ka ba. Naalala ko lang yung movie na pinanood ko. Nakakaiyak kase." hindi man nito sabihin ay pinagduduhan pa rin siya ni Zoe sa paliwanag niya lalo pa't kasalungat ito sa nakikita ni Zoe.

"Z-zoe.. Payagan mo na si Emrys. Siguro ngayon, mapilit lang siya kaso ayaw kitang pangunahan. Magpapaliwanag din naman yan sa'yo. Tsaka, diba yung kapatid mo naman yung kailangan na tulungan niyo? Balita ko daw, naaksidente eh. Hayaan mo na si Emrys." nakangiting tugon ni Patricia habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa mata nito.

Magically Wounded (Daydream Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now