Chapter 2

13.6K 320 129
                                        

"Nakakainis ka bakit mo pa kasi, sinagot sagot si tito. Ayan tuloy may pasa ka pa, pasaway."Natatawang sabi ko sabay kurot ko sa baywang niya.

Kinuhaan ko siya nang med kit kaya ngayon ginagamot niya na ang mga pasa niya sa mukha dahil sa bugbog na tinamo niya kay tito.

Napangiwi ako dahil ramdam kong pag hapdi nang pisngi ko dahil sa malutong na sampal sakin ni tito.

Family ko hindi man lang ako masampal pero sila kayang kaya nila akong pag buhatan nang kamay.

Natigilan ako nang maramdaman kong pag haplos nang mainit niyang palad sa pisngi ko. Kaya natataranta akong napaiwas at napalayo sakanya nang kaonti. He deep sign.

"Im sorry, hindi ko sinasadyang gulatin ka."sabi niya, wala sa sarili nalang ako napa tango.

Rinig kong pag sara ng med kit at siguro tapos niya nang gamutin ang mga pasa niya sa mukha. Imposible kayang mahulog sa akin ang isang Sean, nevermind alam ko naman kapatid lang ang turi niya sakin.

Ibang iba talaga siya sa pamilya niya. Hindi siya sakim sa pera hindi siya mala demonyo katulad ng kapatid niya at ang mga magulang niya.

"Pwedeng manghingi ng favor?"Tanong niya kaya napabaling ako sakanya.

"Ano yon?"kuntonoong tanong ko.

"Pwede bang minsan kapag inaapi kana. Lumaban kana? Paano kapag wala ako sino mag pro-protekta sayo?"
May bahid na pagaalala niyang sabi.

Bakit feeling ko napaka importante ko sa buhay niya?

Napaiwas agad ako nang tingin.

"Imposible yata yang hinihiling mo."kunyaring natatawang sabi ko habang nakatingin sa baba.

Parang may dumaloy na kuryente nang hawakan niya nang mahigpit ang dalawa kong kamay."Please para nalang sa sarili mo. Lumaban ka, natatakot ako kapag nakikita kitang sinasaktan."halos pabulong na sabi niya.

"Bakit ganito mo ako tinratrato?"Diretsong tanong ko sakanya.

Ilang minuto wala akong narinig na kahit anong salita mula sakanya. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman kong paluwag nang paluwag ang pag hawak niya sa kamay ko.

"S-secret."parang batang nahihiyang aniya. Kaya mahina akong natawa.

"Gusto mo bang makakita?"Natigilan ako sa sinabi niya.

Mabilis akong umiling."Ayoko, mas lalo akong masasaktan kapag nakita ko mismo sa sarili kong mata na nakikipag talik sa kaibigan ko ang asawa ko."mapait akong napangiti.

"Kaya mas gusto kong hindi nalang makakita. Kaysa masaktan pako. Mas gugustuhin kong mahirapan."halos pabulong na sabi ko sabay dahan dahan akong mapait na ngumiti.

"You dont deserve him."aniya.

"At sino naman ang deserve para sakin?"natatawang kunyaring tanong ko.

"Ako."mahinang bulong niya pero ni wala man lang ako narinig kaya napanguso ako. I heard he chuckled at kinurot ang magkabila kong pisngi.

"Sinasabi ko na sayo, Cel. Wag kang papayag na apihin ka nila wag kang papayag na itrato kang parang hayop. Baka hindi ko alam kung anong magawa ko kahit pamilya ko pa sila."May diin na sabi niya kaya hindi ko maiwasan makaramdam nang takot.

Change By Her FateWhere stories live. Discover now