A/N:Sorry for late UD😌🦋
"Hayy nako, iba talaga mag selos ang isang Xeron!"pangangasar ni Saiah sabay halakhak.
Palihim akong natawa, at palihim rin kong sinulyapan si Xeron na ngayon mahigpit ang hawak sa manibela at namumula ang kaniyang tainga, at nag iigtingan ang panga.
Bakit kahit galit ang isang ito napa ka gwapo parin?!
Napailing nalang ako sa kalokohan o trip ni Xeron. Sumandal ako sa inuupuan ko at palihim ko ulit sinusulyapan si Xeron. Pero hindi man lang niya ako magawang itgnan. Napanguso nalang ako.
"Are you mad?"halos pa bulong na sabi ko sakaniya, upang hindi marinig ni Saiah.
Napanguso ako nang irapan niya lang ako at hindi manlang ako magawang lingunin?! Snober amp! Napanguso nalang ako at palihim kong hinaplos ang hita niya, napangisi ako nang makita kong pag taas baba nang adams apple niya.
"Oy, wag kana magalit."Shete! Para akong pick me na sumusuyo sa sadboy era na boyfriend eh ni wala nga kaming label nang lalakeng ito!
Inismiran niya lang ako kaya napairap nalang ako sa kawalan, at sumandal nalang ulit ako sa kinauupuan ko habang pinapanood ang pag bagsak nang ulan.
XERON
Hindi ko alam kung nag seselos ba ako or what! Nakakainis lang dahil parang kinikilig pa siya sa pam bobola ni Alas. Yes aaminin ko napaka ganda ni Selena kahit noong tunay niyang mukha.
Gusto kong patayin si Alas, pasalamat siya kaibigan ko siya kung hindi matagal na siyang pinag lalamayan nang mga kapatid niya.
Pag pumapasok sa isip ko kung paano mamula ang pisngi ni Selena sa pam bobola ni Alas. Parang gusto kong pumatay nakakainis!
Mahigpit ang hawak ko sa manibela at nag iigtingan ang panga ko. Sa sobrang inis ko binilisan ko ang pag takbo nang sasakyan.
"Oh my gosh kuya! Dahan dahan naman papatayin mo ba kami!"inis na singhal sakin ni Saiah.
Mabilis kong na ipreno yung sasakyan nang may tumawid na bata. Halos masubsob na kaming lahat dahil sa bigla bigla kong pag preno.
"Hala naka banga ka ata Xeron!"takot na sabi ni Selena, sabay sabay kaming nag mamadaling bumaba nang kotse.
May babaeng may kaedaran na kinarga yung batang lalake mga 4 years old ang bata, umiiyak ito sa leeg nang kaniyang ina at walang tigil sa pag hagulgol.
"Mama!"iyak nang bata.
Mabilis na lumapit sakanila si Selena."Im sorry po talaga, hindi po namin sinasadya. Gusto niyo po ba na idala natin sa Hospital ang bata?"Nag aalalang sabi ni Selena.
SELENA
"Im sorry po talaga, hindi po namin sinasadya. Gusto niyo po ba na idala nati sa Hospital ang bata?"nag aalalang tanong ko sa babae.
Hindi ko alam pero sobrang kabog nang dibdib ko na para bang sobrang nag aalalang alala ako sa bata. O baka dahil normal lang iyon dahil muntikan nang mapatay ni Xeron yung bata.
Napaawang ang labi ko nang mas lalong humagulgol ang iyak nang batang lalake. Lumapit ako sa kanila at hinimas ko ang likuran nang bata.. bakit parang ang gaan nang loob ko sa batang ito?
Siguro kung na buhay ang aking anak. Baka kasing edaran niya na ang batang lalake na ito. Mapakla akong napangiti at wala sa sarili kong hinalikan ang bata sa pisngi.
Dahan dahan inangat nang batang lalake ang mukha niya. Napaawang ang labi ko dahil napaka cute at napaka gwapo nang batang ito! Nag niningning ang kaniyang mata. Nagulat ako nang dutdutin niya ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Change By Her Fate
Romance*COVER NOT MINE* Yes I am blind, but I also have the right to feel the love of a Husband. the one who can take care of me and accept me even if I have a condition.. he's just like his family.. he treats me like Trash. Is this my destiny? let my lif...