"Ma'am, Celina pinapatawag po kayo ni Sir. Klaurus sa office niya po."natigilan ako sa kinakain ko ng sabihin iyon ni yaya Madel.
Biglang nanginig ang hita ko dahil nakakaramdam nanaman ako ng takot. Baka saktan niya ako at maapektuhan ang batang dinadala ko.
Bumuntong hininga ako at pilit kong pinakalma ang sarili ko. Kumalma ka Celina baka makasama sa anak mo. Diba mahal mo ang anak mo? Kumalma ka wag kang magpalamon sa takot. Sabi ko sa isipan ko.
Halos mapatalon ako sa gulat nang may kumalabit sa braso ko."Ma'am okay lang po ba kayo?"nagaalalang tanong ni yaya Madel.
Mabilis akong umiling at pinunasan ko ang namamawis kong kamay sa laylayan kong suot. Dahan dahan akong tumayo. Muntikan pa akong mawalan nang balance pero buti nalang mabilis akong nahawakan ni Yaya Madel.
"Ma'am okay lang po ba talaga kayo? May sakit po ba kayo."nagaalala na tanong ni yaya Madel.
I shook my head."o-okay lang ako, w-wag mo po akong alalahin."akmang mag lalakad na ako hawak ang tungkod ko pero natigilan ako ng pigilan ako ni yaya Madel.
"Alalayan ko na po kayo papunta sa Office ni sir Klaurus."tumango nalang ako.
Simula ngayon kaylangan kona nang alalay. Dahil natatakot akong mag kamaling mag lakad at mawalan ako nang balance. Baka duguan ako.
Ramdam kong pag hawak ni yaya sa siko ko at nag simula na kami pareho mag lakad.
Kumatok si yaya Madel sa pintuan ng office ni Klaurus. Ilan beses akong napalunok."Come in."malamig na sabi ni Klaurus mula sa loob na nag bigay lalo sakin nang takot. Kalma lang Celina.
"Pumasok na po kayo maam."mukhang napansin ni yaya Madel na hindi pa ako pumapasok. Nanginginig kong kamay na hinawakan ang doorknob at binuksan iyon.
Ramdam ko agad ang kakaibang aura nang makapasok ako sa loob.
"B-bakit mo ako p-pinatawag Klaurus."takot na sabi ko.
"I know you're pregnant."malamig na sabi niya.
Nanlaki ang mata ko at napaawang labi ko sa sinabi niya. P-paano niya nalaman! Nanginginig ang kamay at hita ko.
P-paano kung kunin niya saakin ang anak ko?
"K-klaurus-"
"Palaglag mo iyan."halos huminto ang mundo ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ko namalayan na sunod sunod na palang tumulo ang luha ko. Mabilis akong lumapit sa desk niya habang may tungkod.
"W-wag please Klaurus, m-maawa ka. A-ako nalang ang lalayo a-at palalakihin ko mag i-isa ang anak ko."takot na takot na sabi ko.
"Ipalaglag mo iyan."ulit niya.
Mabilis akong umiling."Hindi! Hindi ko ipapalaglag ang anak ko!"hagulgol ko.
"Sundin mo nalang ang gusto ko Celina!!"malakas na sigaw niya na nag patahimik sakin.
Natatakot akong ipag pilitan niyang ipalaglag ang anak ko. At ako nanaman na walang magagawa!

YOU ARE READING
Change By Her Fate
Romantik*COVER NOT MINE* Yes I am blind, but I also have the right to feel the love of a Husband. the one who can take care of me and accept me even if I have a condition.. he's just like his family.. he treats me like Trash. Is this my destiny? let my lif...