Chapter 9

12.8K 274 2
                                    

Napalunok ako nang makita ko siya sa sala.


Yawa bakit ba ako nahihiya sa lalakeng 'to? Sino ba siya para mahiya ako?! Gusto ko lang naman mag pasalamat sakanya dahil sa pag ligtas niya sakin sa lalakeng yon kagabi.

Naka upo siya sa sofa habang naka dikwatrong pang babae habang may hawak siyang magazine, ang hot niyang tignan sa Position na iyon!

I bit my lower lips, napasapo ako sa noo ko at umiling iling. Wag kang malandi, Celi-- SELENA!

Mahina akong napamura nang may tumapik sa balikat ko at umakbay sakin. Pabango palang familiar na kung sino iyon.

"Yan ah! Hindi mo sakin sinasabi na may palihim ka palang gusto sa kuya ko!"tatawa tawang bulong niya sakin.

Napangiwi ako nang kurutin niya ako sa baywang. Hindi ko na siya masinghalan dahil tatawa tawa siyang nag lakad palayo sakin papunta sa taas.

Napailing ako. Ang weird talaga ng mag kapatid na ito.

Halos mapatalon ako sa gulat pag baling ko muli biglang mukha ni Xeron ang bumungad saakin! Nakapamulsang at naka yuko siya para pantayan ang mukha ko, halos maduling ako dahil sa sobrang lapit nang mukha niya sakin.

Mabilis akong umiwas nang tingin at napaatras ako nang kaonti, napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa pakiramdam! Gusto kong mag palamon sa lupa dahil nakatitig siya sakin!

Ano bang problema sa lalakeng ito?!

Narinig niya kaya yung sinabi ni Saiah?! Kung oo eh pake ko ba? Hindi ko naman siya gusto!

"H-hi?"parang tangang sabi ko.

Kung may bunganga lang talaga yung lupa, kanina pa ako nag pakain.

Umayos siya nang tayo at sumandal siya sa wall sa gilid ko lang habang nakataas ang kanyang kilay sakin na parang nag tatanong kung anong kaylangan ko.

Nag iwas ulit ako nang tingin dahil nakakailang yung titig niya, ang hirap niyang titigan parang kapag tinitigan mo siya mahuhulog kanalang talaga agad.

"A-ahm.. g-gusto ko lang sabihin sayo na, t-thankyou, sa pag ligtas mo sakin k-kagabi."Sinikap kong wag mautal pero taksil talaga ang bibig ko.

He just nooded, napaawang ang labi ko nang lagpasan niya lang ako at iniwan niya akong naka tayong nakatanga.

Yun na'yon?

"Ganon talaga si kuya, masyadong snobber."pag baling ko nang mag salita si Saiah nag lalakad na siya papasok ng sala.

Kung san san naman sumusulpot yung babaeng yon parang kabote.

"Bakit ba ganon ugali ng kapatid mo?"sabay tabi ako sakanya.

Natigilan ako nang mag seryoso ang emotion na mukha niyang kanina tatawa tawa ngayon napaka seryosong nag bigay kilabot saakin.

"Simula nang mawala sila mom and dad, nag ka ganoon na si kuya."Seryosong paliwanag niya na nag paawang sakin.

"Bata palang kami noon ng patayin ang magulang namin, noon napaka masayahing bata ni kuya halos lagi siyang nakangiti, lagi siyang nakikipag laro sakin noon at nakikihalibilo sa mga tao. Palakaibigan si kuya, nag bago lang siya nang mawala ang magulang namin."bakas sa sakit mula sa kanyang mata.

Change By Her FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon