Chapter 32

8.4K 179 36
                                    

GEANNA (Katheryn Sister)

-Flash back-

"Mom dad! Yaya im home!"Singhal ko pero napa kunotnoo ako dahil sobrang tahimik nang loob ng bahay.

Sobrang dilim nang loob nang mansion at wala manlang akong makitang mga katulong na nag lilinis. Napailing nalang ako dahil baka sakaling maaga silang natulog dahil sa pagod sa pag tra-tarabaho.

Bigla akong nakaramdam nang kaba nang makaapak ako sa hagdanan, pero hindi ko nalanh iyon pinansin umakyat na ako nang hagdanan para silipin ang kuwarto nang magulang ko.

"Mom, dad."Katok ko sa pinto pero ni isa walang sumasagot na ikinakunot noo ko nanaman.

Hinawakan ko ang doorknob at binuksa ang pintuan. Halos manlaki ang mata ko nang makita kong naka handusay si mom and dad sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo.

Napahawak ako sa bibig ko gamit ang nangangatog kong kamay at halos nanginginig narin ang hita ko dahil sa panghihinang nakikita ko.

Mabilis akong pumunta sa gawi nila mom and dad, may saksak sila sa dibdib na para bang paulit ulit silang pinagsasaksak na ikinatulo nang luha ko.

"M-mom..d-dad.."Hikbi ko.

Mabilis akong napalingon kay mom nang maramdaman kong gumalaw ang kamay niyang hawak hawak ko."M-mom s-sino po ang gumawa sainyo nito mom!"Hagulgol ko at pilit na minumulot ni mom ang mata niya.

Wala akong pakielam kung puro dugo man ang katawan ni mom dahil sa pag sasaksak sa dibdib at sa ibat ibang parte nang katawan niya ganoon rin si dad na nakamulat at wala nang buhay.

Nanginginig ang bibig ni mom at pilit na binubuka ang bibig niya na parang may gusto siyang sabihin.

"A-anak.."Nanghihinang halos pabulong na sabi ni mom.

"M-mom please tell me! Sinong hayup ang gumawa sainyo nito."Nanginginig na sabi ko.

"A-ang a-ate K-katheryn mo.. g-ginawa niya s-samin to n-nang d-dad m-mo-"Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mom, biglang may lumabas na dugo sa bibig niya."H-hindi sakaniya a-ang b-bata. Hindi n-niya iyon anak.."Nanghihinang sabi ni mom na ikinatigil nang mundo ko.

Mas lalo akong humagulgol nang bumagsak na ang kamay ni mom at wala nang buhay ang kaniyang katawan at malamig na ang kaniyang bangkay.

"H-hayup ka Katheryn!!"gigil na sigaw ko habang humahagulgol.

-End of Flash back-

Mahigpit akong napayukom nang maalala ko nanaman ang ka demonyohan na ginawa nang aking kapatid sa magulang namin. Siya mismo ang pumatay at sumaksak nang ilang beses sa sarili naming kadugo at magulang.

Pinangako ko sakanila at pinangako ko sa sarili ko na mag hihiganti ako at pababagsakin ko ang babaeng iyon. Alam ni mom and dad ang sikreto ni Ate na hindi niya anak ang akalang anak ni Klaurus na si Kael. Dahil hindi pwedeng mabuntis siya dahil may problema ang matris niya.

Kaya pinatay niya ang sarili naming kadugo para lang mapag takpan ang mabaho niyang sikreto.

Sorry nalang sakaniya dahil alam ko ang pinaiingatan niyang sikreto..

Kinuha ko anh baril sa drawer at actually nandito ako sa loob nang practice room. Walang alinlangan kong pinag babaril ang picture ni Katheryn na naka dikit sa pader sa hindi kalayuan sakin.. sa mismong noo nang picture niya ko siya pinatamaan.

Nanginginig ang kamay ko at nagiigting ang panga ko dahil sa galit ko sakaniya. Kapag nakakaharap ko siya gusto ko siyang patayin, pero kaylangan ko mag ingat at kaylangan ma control ko ang galit ko sa babaeng iyon.

Change By Her FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon