Chapter 10

12.8K 285 89
                                    

"Wow ang ganda naman dito!"manghang bulalas ko habang ginagala ko ang tingin ko sa boong loob nang bahay na titirhan namin ngayon dito sa Manila.

Imposible kayang makita ko ang mga Monteverde dito sa Manila? Handa naba akong harapin silang lahat?

Alam kong hindi na nila ako makikilala dahil ibang iba na ang itsura ko hindi katulad noon.. bakit pa ako kakabahan diba?

Hindi ko magawang hindi mapanganga dahil sa sobrang lake, halos puro white and black yung mga wallas pati mga kagamitan, kaya nag mumukhang madilim kahit merong napaka laking chandelier!

Hindi ko na namalayan na nabitawan ko na pala yung hawak kong maleta, napatakip ako sa bibig ko gamit ang kamay ko. Call me oa pero grabe napaka ganda!

"Crazy.."napaayos ako nang tayo nang marinig kong malamig na pabulong na sabi ni Xeron pero sapat yon para marinig namin ni Saiah.

Mahinang natawa si Saiah kaya napairap nalang ako. Wala naman mangyayari kung makikipag away nanaman ako kay Xeron, baka isipin niyang immature ako.

"Welcome to our new home!!"masayang bulalas ni Saiah na nag bigay eko sa boong mansion.

Nag plano rin yung mag kapatid na mag hire ng mga magiging kasambahay dito sa mansion nato. Mahirap kasing gumalaw dito masyadong malaki.

"Tumigil na kayo. Pumili nalang kayo nang sarili niyong kwarto."malamig ma sabi niya at nauna siyang umakyat sa napakalaki at napaka gandang hagdanan.

Napanguso ako dahil nag mukha siyang haring paakyat nang hagdanan para kawayan ang mga pinamumunuan niya.

Napailing nalang ako, nagising ako sa realidad nang hilahin ako ni Saiah paakyat nang hagdanan. Halos mapanganga pa ako sa ganda dito sa second floor!

May sariling terris kaya kitang kita yung Chandelier at kitang kita yung ibaba nang hagdanan.

Malaki ang hallway at kulay chocolateng pintuan ang meron sa gilid, meron ding mukhang mamahalin na vase at mga painting na naka sabit sa brown na pader.

Tumigil kami sa isang pintuan malapit sa dulo, binitawan niya na ako at binuksan niya yung pintuan. Akmang papasok ako pero hinarangan niya lang ako.

"Pumili ka nalang nang magiging kwarto mo hehehe, basta mamaya mag shopping tayo sa Mall!"akmang ibubuka ko yung bibig ko pero sinarhan lang ako nang pinto!

Hindi niya ba alam kung paano gumamit nang manners?!

Ang bago naming tinitirhan ay subdivision mukhang puro mayayaman lang ang nakatira dito sa Subdivision kasi anlalaki nang mga bahay i mean mansion! Mukhang sosyalist yung mga tao dito!

Mayaman ang family ko pero normal lang ang bahay namin.. napabuntong hininga ako. Naalala ko nanaman sila mom.. sa susunod gagawa ako nang paraan para silipin sila.

"WOAAH!"Napanganga nalang ako nang makapasok ako sa napili kong kwarto. Napakaganda!

Puti yung kwarto at merong napaka laking puting king bed! May malaking salamin sa gilid nang kama at meron ding napaka habang kurtinang kulay ginto na may design na flower at butterfly.

"BILISAN MO KUMAIN ATE, MAG SHO- SHOPPING PA TAYO!"Ngiti ngiting sabi ni Saiah habang nakain kami ngayon dito sa dinning area.

Ganon parin ang presensya ni Xeron. Parang patay dahil sa sobrang lamig niya! May pake ba talaga siya sa paligid niya bakit parang wala syang pinroproblema.

Change By Her FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon