Nakaramdam ako nang kirot sa aking ulo kaya pilit kong dahan dahan akong nag mulat ng mata.
Napaiwas agad ako ng tingin nang tumama ang ilaw sa mata ko na nag bigay silaw sakin.
Nanlaki ang mata ko--SANDALI! Binaling ko ulit ang tingin ko sa puting kisame.
A-anong nangyayari?
P-patay naba ako?
B-bakit ako nakakakita?!
Pilit kong bumangon pero napangiwi lang ako nang maramdaman kong may naka dikit na hose sa gilid nang labi ko. Wala sa sarili kong tinignan ang kamay ko. Puro pasa at sugat.
P-paano a-ako nakakita?!
Napahawak ako sa noo ko nang maramdaman kong sakit muli sa aking ulo. Napaangat ako nang tingin nang marinig kong mag bukas ang pintuan.
At niluwal ang lalakeng naka Dr gown at may kasama siyang babaeng mukhang mas bata sakanya.
Kinusot ko ang mata ko at kinurot ko ang pisngi ko. Tangina panaginip ba 'to?
"Gising kana pala, Celina Chavez Monteverde."halos kilabutan ako sa malamig niyang boses at lalo na sa pag kabigkas niya ng Monteverde.
"P-paano a-ako nakakakita? A-anong nangyari sakin?!"i cant help but to shout.
Andaming tanong sa isipan kong gustong itanong sakanya. Malamig na tingin lang ang pinukol sakin at napaawang ang bibig nang babaeng katabi niya.
Nakakrus ang braso niyang lumapit sa gawi ko at ganon din yung babaeng kasama niya.
"W-wag kang lalapit! W-wag mo akong s-sasaktan!!"Wala sa sariling sabi ko.
Akmang tatangalin ko ang hose sa gilid nang labi ko pero mabilis akong napigilan nang babae."Wag mong gagawin yan baka mapano kapa!"
"N-nasaan a-ako."at nag simula nanaman akong mag hagulgo--
"Y-yung anak k-ko nasaan?"natahimik sila dahil sa sinabi ko. Pansin kong lumambot ang mukha nila pareho at nag iwas nang tingin.
Mabilis kong hinawakan ang kamay nang babaeng pilit na agawin ang kamay niyang hawak ko.
"N-Nasaan ang anak ko!"sigaw ko.
"Mag pahinga ka muna, Baka mabinat ka, kagagaling mo pa naman sa pagkaka coma."
"C-coma?! P-pinagloloko n-niyo ba ako?!!"gigil na sigaw ko.
The girl shook her head."Hindi ka namin niloloko. 6 years kang na coma dito sa bahay namin--"
"N-no!! H-hindi y-yan t-totoo!"napatulala nalang ako habang tumutulo ang mga luha ko.
"A-and your child is dead, h-hindi nakakapit ang anak mo sa sinapupunan mo."Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.
Wala sa sarili ko siyang tinulak nang malakas na ikinabagsak niya sa sahig.
"No! This is not true buhay ang anak ko! Ibigay niyo ang anak ko buhay pa siya!"hagulgol ko.
"Kahit nag iiyak iyak kapa dyan. Trust me wala kang mapapala."malamig na sabi nang lalake.
"N-no buhay ang anak ko.."halos pabulong na sabi ko habang nag babagsakan na parang ulan ang mga luha ko.
"Nabundol ka nang kotse at sumalpok ka at masama ang ikinabagsak mo. Kaya imposibleng mabuhay ang anak mo."Malamig na sabi niya.
Mabilis akong umiling. Wala sa sarili kong hinugot ang hose sa gilid nang labi ko ket hirap man ako tumayo pero nakaya ko parin siyang lapitan.
Lumuhod ako sa harapan niya at wala sa sarili kong niyakap ang hita niya at doon humagulgol."p-please h-hindi pa patay ang anak ko.."nanghihinang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Change By Her Fate
Romance*COVER NOT MINE* Yes I am blind, but I also have the right to feel the love of a Husband. the one who can take care of me and accept me even if I have a condition.. he's just like his family.. he treats me like Trash. Is this my destiny? let my lif...