-- 6 [ Gamitin Mo Lang ]

74 1 0
                                    


-


''Oh yan. Ang ganda-ganda mo te. Malalaglag ang panga ni Mr. Keith sa iyo.Girlfriend ka ba nya?Ang swerte mo girl'' Sabi nung bakla na nag ayos sa akin. Nakatingin naman ako sa malaking salamin.Ang swerte ko talaga. Ang ganda ko garabe. Hahaha. Kung makikita lang ako nang nanay at tatay ko? AY NAKU. Lagot ako. Bawal kasi magsuot nang ganito.


Hindi kaya ako mapapasma? Kitang-kita iyong likod ko eh. Haha. pAti kili-kili. Ano ba kasi iyong pupuntahan namin?

Hays. Feeling ko tuloy ako si Cinderella. Haha. Minus the step chuchu thing. Umiikot lang ako sa harap nang salamin para akong buang.


''You're so beautiful.'' Sabi nung lalaking biglang lumitaw sa likod ko. Oh gosh. He's so dashing handsome. Tama ba? Hahaha. Basta nakatux and everything siya. Mukha syang si Zeus sa paningin ko. Ikakasal ba kami? echos. Haha

''Ikaw din naman. Ang pogi mo.'' Napatigil ako bigla, Haha. Nakakahiya. Tapos ngumiti naman siya. Hay naku. Naiinlove ako lalo sa iyo eh. Hwag ka ngang ganyan.

Bigla siyang lumapit sa akin nahigit ko pa yung hininga ko nung lumapit iyong kamay niya sa mukha ko. Akala ko kung anong gagawin niya aayusin niya lang pala yung mga tumakas na buhok sa mukha ko.Kinilabutan ako bigla. Nakakakilig kasi eh.


''There. Shall we?'' Sabi niya sabay lahad nang kamay niya. Tumango na lang ako tsaka humawak sa kamay niya. Pakiramdam ko milyong-milyong bultahe ang gumagapang sa buong katawan ko. Ni hindi ko siya matignan nang maayos baka kasi matumba ako or something.

Nagbayad lang siya saglit tapos dumiretso kami sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako tsaka siya umikot papuntang drivers seat.


''Uh.. Saan tayo pupunta?'' Kanina pa kasi ako kating-kati na itanong sakaniya kung saan kami pupunta at kailangan pa na mag ayos kami nang ganito.


''You'll see.'' Ang tipid nang sagot niya. Feeling ko kinakabahan din siya. Puro siguro mga sosyal yung andun. Baka maout of place ako.


''Hindi ba nakakahiya kung isasama mo ako doon? Eh hindi naman ako mayaman baka mapahiya ka lang. Tsaka matakaw akong kumain tapos mahiyain ako tapos -


Naputol iyong sasabihin ko nung hinawakan niya yung kamay ko. Juice colored pwede na bang mahimatay? Haha. Lagi na lang siyang ganito. Sweet ba talaga siya sa lahat? Ano ba talaga ako sayo blaire? Gusto kong itanong sakaniya etong mga bagay na ito. Kaso natatakot ako sa mga magiging sagot niya. Baka hindi ko kayanin.


''You'll be okay. It'll be okay. I'm just here. Just stay close to me okay?'' He said.

''Sir.. Gaano ka kaclose?'' Sabi ko. Natatawa ako ginaya ko iyong linya ni sarah doon sa movie nila ni john lloyd. Wala kasi akong masabi. Hindi kasi ako makaconcentrate dahil hawak niya iyong kamay ko.


''What?'' Parang naiinis na sabi niya. Umiling na lang ako. Nakakatakot. Haha baka sipain pa ako palabas eh. Nakatingin lang ako sa bintana. Hindi pa naman kasi ako as in nakakapasyal. Hindi ko nga alam kung nasaan na kami eh. Paano kaya ako makakauwi neto? Paano pag nagkaproblema? Alangan namang magpahatid pa ako sakaniya. Girlfriend lang ang peg ko?

** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon