-------
"Bestfriend mo iyon baks?." Sabi ng kawork ko. Hindi ko kasi kayang iwan mag isa si bryle. Hindi din ako pedeng mag undertime. Papagalitan na ako. Kaya pinagstay ko siya dito. Ayokong alisin siya sa paningin ko. Mahal ko si bryle. Bilang kapatis ha? Bakit ba tayo nag mamahal nang taong hindi tayo kayang mahalin?
"Oo baks. Bakit?." Sagot ko. Nasa loob kami ng kitchen room. Tumutulong ako eh.
"Pogi teh. Ba't di ka na inlove? Kung ako iyon. Hay naku. "
"Yuck ka. Incest kaya." sabi ko sabay tawa. Hindi ko talaga maimagine. Syntax error talaga. Cannot be.
Siniko niya pa ako. "At bakit naman incest? eh mag bff lang naman kayo. Naku nga yhiel. Siguro in love ka kay sir tisoy noh?." Panunukso niya sa akin. Namula pa ako. Ayokong magpahalata. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagkalat na kami. Hindi ko kasi alam kung private person si blaire.
Model iyong baby ko. Kaso busy na siya sa company nila kaya yung ibang offer tinanggihan muna niya.Naikwento sa akin minsan ni hera. Usi yun eh. Usisera. Haha.
"Hay naku. Magtrabaho na nga tayo. Napaka mo." Tsaka ko siya tinalikuran nang aasar pa siya kaso hinayaan ko na lang. Kumakanta pa rin iyong banda nila gav. Mamaya kakausapin ko siya? Naaalala pa kaya ako nun? Haha.
Nung medyo humupa na iyong tao. Lumapit ako sa kinauupuan ni bryle.
"Yhiel lasing na itong si tangkad. Iuwi mo na kaya.?" Napairap ako sa tawag ni kuya fred. Kay blaire tisoy ngayon kay bryle tangkad. Grabe talaga umisip nang tawag eh.
"Kuya talaga. May nickname ka agad." Tinapik ko sa braso si bryle. Naku naman talaga. Masasapak ko ito bukas.
"Bebe." sabi ko pa. Aba't ang loko walang paki. Ugh!. papagalitan ako eh. Tawagan ko na lang si hera. Kaya lang kasi gabi na.Baka mapano pa siya. Papaalam na lang ako mamaya kay boss. Tss.
''Beh.'' Kulbit ko pa. Ayaw mo ha? Kinurot ko nga sa tagiliran.
''Aray.'' Napapaos niyang sagot. Tsk. Inom pa more. Tapos dumukdok ulit sa lamesa. Tsk. Dinedma ako.
''Beh wait lang ha? Hindi pa aksi ako pwedeng umuwi eh.'' Bulong ko sakaniya. Maingay kasi kaya lumapit pa ako sakaniya. Kahit hindi naman siya nakikinig.
Tinignan ko iyong oras. Malapit na break. Mabuti na lang wala pa masyadong tao ulit. Tumulong ako sa pagpupunas nang mga lamesa. Hindi ko talaga mapigilang hindi mapangiti. Blaire is more than everything I can wish for. Bahala na kung malaman ng mga kasama ko na kami. Si Blaire na iyon. Aarte pa ba ako? Ako pa ba naman?
''Huy. Nakashabu ka? Kanina lang hindi maipinta iyang mukha mo. Ngayon kulang na lang mapunit iyang bibig mo kakangiti.'' Sabi ni ate mei. Natawa naman ako.
''Si ate talaga.''Yun lang iyong nasabi ko. Tsk. Ang pasaway.
''Bagay mo naka skirt yhiel. Dapat laging ganyan.'' Sabi nung isa pang kasama namin. Napapailing na lang ako. Ayoko kasi sana tapos si sir sabi niya for this week lang daw marami kasing mga vips na darating lalo na at sikat na banda ang silent grip. Umangal kaya ako kaso sabi ni boss 'Mamili ka mag iiskirt ka o tanggal ka na?' Oh edi skirt madali naman akong kausap eh. Haha.No choice kasi talaga.Nung nalaman nga ni hera sinamahan niya akong bumii nang mga damit.Tsk. Ang hirap humanap nang trabaho. Petiks na nga lang dito kung tutuusin eh. Kasi singer naman talaga ako. So minsan lang ako sa kusina. Busy akong nagpupunas nang lamesa. Nagsalita bigla si kuya fred.
''Bagay mo pala talaga mag suot nang skirt yhiel dapat ---
Natigil siya? Huh? Haharap na sana ako. Then the next thing I knew. May biglang yumakap sa akin mula likod. Tapos humalik sa pisnge ko. Then I froze. I heard gasps. Natigilan lahat. Maging ako. What the hell?
BINABASA MO ANG
** My Last Downfall
RomanceYhiel Daza's life was all about making money and music from province tried to find it in Manila but she found more than what she was looking for and more.