--
"Girlfriend, I can't fetch you right now. I have meeting with the japanese investors. I'm sorry." Blaire said on the other line.
Nakabalik na rin kami sa manila. Sabay kaming umuwi. Yung plano kong mag tagal hindi natupad. Kasi kinailangan niya umuwi agad. At ayaw niya ako payagan mag istay pa. Gusto kasama ako. Nagseselos daw siya kay bryle. Sira ulo. Pero deep inside. Kinikilig ako.
Nung sinabi niya yung be my girlfriend spiel. Napanganga ako. Nagtalo pa utak ko at puso ko. But in the end nanaig pa rin yung pagmamahal ko sakaniya sa lahat ng logic na naisip ko. Okay agad sagot ko. Syempre grab the chance while it lasts. Ayoko magsisi sa mga bagay na hindi ko nagawa nung may pagkakataon ako.
Alam ko na hindi niya pa ako mahal. He likes me daw. Doon naman nagsisimula iyon eh. Atleast he feels something for me too.
"Ano ka ba. Okay lang. Sanay na ako,Hindi naman kita inoobliga na ihatid or sunduin mo ako." I said. Habang inaayos ko sarili ko. Papasok na kasi ako. Alam na nila sa bahay na kami. Noong una natatawa ako sa tatay ko. Pinag igib pa si blaire. Kung makaarte naman si itay akala mo niyayaya na akong mag pakasal ni blaire.
"But still. I'm sorry. I'll make it up to you nextime baby." He said. Napapangiti ako mag isa.Solve na solve na ako. Tinawag niya akong baby. Naaalala ko noon iniimagine ko lang ito eh. Pero iba pa rin talaga pag nangyari na. Magmula nung naging kami. Kung hindi girlfriend , baby tawag niya sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay. Mahal ko kasi siya. Kaya nakakakilig. Nagulat naman ako kay hera kasi nakatingin pala siya sa akin. With cross arms at taas kilay pa.
"Oo na. Papasok na ako. Babye." Then I ended the call. Itetext ko na lang si blaire nang i love you mamaya.
Aktong aalis na sana ako nung hinila ako ni hera.
"May hindi ka sinasabi sa akin." Sentence iyon hindi tanong. Hindi niya pa kasi alam. Mangungulit nanaman kasi eh. Pati malalate na din ako.
"Mamaya na lang. Late na ako Ra." I said tsaka siya tinakbuhan siya. Natatawa naman ako sa mukha niya hindi mo maipinta.
Naglakad na ako papuntang sakayan. Tinext ko si blaire nang mahal ko siya. Hindi ko pa ineexpect na mag iiloveyou back siya. Ayoko din mag reply siya nang thank you. Pupukpukin ko siya nang mikropono talaga. Haha.
Thank you talaga Papa G for giving him to me. Bahala na sa consequences. Naalala ko pa yung sinabi ni bryle sa akin bago ako umuwi.
"Don't let yourself be drown. Learn how to swim atleast. Para iwan ka man niya bigla at least maililigtas mo sarili mo."
Tumatak talaga iyon sa isip ko. In other words. Leave something for yourself. Alam ko naman iyon. Pero alam ko naman na kahit sabihin ko pa sa sarili ko na kailangang magtira ako. Hindi ko parin magagawa. Kasi mahal ko siya. At ibibigay ko buong buo iyong pagmamahal ko. Malunod na kung malunod. Ayokong may maisumbat si blaire sa akin. Gusto ko ibigay yung buong puso ko sakaniya. Kahit pa maubos ako. Magbibigay at magbibigay ako para sakaniya.
Hindi naman masyadong traffic kaya 30 minutes pa lang nakarating na ako.
"Hi kuya." Bati ko sa guard.
Tumango lang siya sa akin. Hindi talaga matanggal tanggal iyong ngiti ko. Nag hi ako sa lahat ng mga kasama ko. Ang weird ko daw. Yaan na. Masaya mainlove eh.
Ang bilis nang panahon dati bagong salta lang ako dito tapos iyon din iyong unang beses na nakita ko siya tapos iyong stop drooling over me misty spiel niya.
BINABASA MO ANG
** My Last Downfall
RomanceYhiel Daza's life was all about making money and music from province tried to find it in Manila but she found more than what she was looking for and more.