a/n : Pelikula yung tittle. May fb na po si hera :)
-----
6 MONTHS LATER ~~
''Hindi ka na ba talaga mapipigilan yhiel?'' Tanong ni ate mei.
''Hala si ate. Pwede pa naman tayong magkita. Pangarap ko kasi ito.'' Sabi ko. Last day ko na kasi. Na verified yung visa ko papuntang paris. Nag volunteer si kuya gav na tutulungan akong maging singer. Kaso ayoko. Ayoko ng ganun. Ayoko ng kasikatan. I want to sing without restrictions. Sing with all my heart without inhibitions. Yung walang makikielam at mangangalkal ng private life ko. Hindi sa linalait ko ang buhay na meron ang kapatid ko. Magkaiba lang kasi talaga kami ng paniniwala. But I respect him and he respects me too.
''Bakit kasi aalis pa? Pwede naman dito. Yung totoo? May ibang dahilan ka pa kaya aalis ka ng bansa noh?''
I fake a smile. ''Ate, adik mo. Kakanta na ako ate. Ikaw rin mamimiss mo boses ko.''
She rolled her eyes. I know, lame excuses. 6 months of hell. I know right? Nung gabing natapos ang once upon a time namin. Hindi ko na siya nakita. Iniwasan ko lahat ng bagay na may kinalaman sakanya. Nagkulong ako sa bahay noon. Up to the point na hindi na talaga ako kumakain. I wasn't moving. Kulang na lang paliguan ako. I was so broken. There were times na magsisisi ako sa desisyon ko. Pero kapag naalala ko yung pag mamakaawa niya noon para lang pakawalan ko siya. Nagagalit ulit ako.
Kaya ko namang tanggapin eh. Kahit may anak siya. Mahal ko siya eh. Kaso wala eh. Mahal niya kasi talaga iyon. Hanggang like lang talaga ako. Nakakainis. Nakakagalit. Minsan ganoon naman talaga eh diba? Sometimes you can want something so much that it won't work out. Isn't it ironic? We adore someone who ignores us, and ignores someone who adores us. And it's pathetic and twisted. Bakit ba kasi kailangang ganoon kakomplikado lahat ng bagay?
''Yhiel.'' Tawag sa akin ni kuya fred. Lumapit naman ako sakanya.
''Po?'' Sagot ko.
''May naghahanap sa'yo sa labas.'' Tumingin naman ako sa labas. Tumaas pa kilay ko. Sino naman iyon?
Ayoko ng magpilit. Nakausap ko na rin si mama. Oh my gas. Nahirapan talaga akong idigest lahat ng nagaganap sa buhay ko noon. But then, what's done is done. Mahal na mahal ako ni inay. Sobrang thankful ako sakanya. Kasi ganoon niya kamahal si itay up to the point na tinanggap at tinuring niya akong parang isang tunay na anak.
Binigay ako noon ni mama kay papa kasi ayaw niya daw akong madamay sa gulo ng buhay nila. Sikat kasi si gav at sikat ang parents niya. Ayaw niyang pati ako madamay sa issues. Nung una hindi ko maintindihan but then. Natanggap ko na rin. Ayoko rin pala ng magulong buhay. Pagpepyestahan ng media ang kapatid ko and I don't like that. They want to tell the whole world na kapatid niya ako pero ayoko. I don't want to ruin my mother and brother's reputation. Kahit dito sa trabaho wala silang alam. I don't want to keep secrets to them pero mas madali kasi iyon kesa magpaliwanag.
''Tignan ko lang saglit kuya.'' Sabi ko tsaka dumiretso sa pinto para lumabas. Medyo may tao na kasi eh. Pero mamaya pa naman ako kakanta. Luminga pa ako tapos may kotseng nakapark sa tapat. Parang wala naman eh. Si kuya talaga. Tatlikod n asana ako nung biglang may nagsalita.
''Yhiel..'' Si amara. Nawala iyong ngiti ko napatigil ako sa paglalakad. Dahan-dahan akong lumingo sa nag salita. This better be good. The last time na nag pakita siya sa akin nag makaawa siyang iwan ko iyong lalakeng mahal na mahal ko. Now what?
BINABASA MO ANG
** My Last Downfall
RomanceYhiel Daza's life was all about making money and music from province tried to find it in Manila but she found more than what she was looking for and more.