--11 [ Be My.... ]

44 1 0
                                    

---

''Blaire.'' Sabi ko. Why is he here??! How did he ...

I'm sorry cuz. Bigla kong naalala text ni hera sa akin. Lagot ka sa akin pag uwi ko hera. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kasi hindi ko mabasa kung anong ekspresyon ng tatay ko.

Simoy nang hangin lang naririnig hindi pa kasi nila kami nakikita ni bryle.

''Mareng pasok na. Natuyuan ka na oh.'' Sabi ni bryle. Tsaka ko lang naalala naligo nga pala kami. Nakakahiya naman itsura ko nandito pa si blaire.

''Oo na. Haist.'' Sabi ko. Nakatitig naman sa akin si bryle. Kaya tumaas kilay ko.

''What?'' I said. Kasi parang nakatitig siya na sino-yung-lalaking-yun-look.Umiling lang siya. Natawa naman ako.

''I'll tell you later bebe.'' Tsaka ako lumapit para halikan siya sa pisngi. Tsaka nagpaalam. Ganyan kaming dalawa siya naman hahalikan ako sa noo.

Tsaka ako naglakad papunta sa bahay namin. Nakita ko pang busy na nag uusap si itay at blaire. Nagmano naman ako kay inay. Hindi pa nila ako napapansin.

''May bisita ka anak! Naku kang bata ka! Naligo nanaman kayo ni ely sa ilog eh. Magbihis ka na nga muna. Nakakahiya sa bisita mo na kanina pa naghihintay.'' Sabi ni inay. Nauna muna akong umakyat para maligo at mag bihis. Nagiisip ako nang dahilan kung bakit kailangan pang pumunta ni blaire dito. Wala ba siyang ibang ginagawa sa buhay? Hindi niya ako mahal pero ano ito? Reyalidad eto. Wala kami sa pelikula. Hindi niya kailangang umarte. Besides wala ba siyang mga kaibigan na pwede niyang bulabugin? Bakit ako pa? O di kaya si amara tutal yun naman iyong mahal niya.

Hindi ba talaga pwedeng lumipas ang isang linggo na hindi kami nagkikita? Napapagod na rin akong panindigan na hindi ko na sya mamahalin. Kahit naman ang totoo. Mahal na mahal ko pa rin siya. First love is hard to forget. Si blaire yung nagmulat sa akin sa katotohanan na masaya naman pala ang mainlove. But pain is also a part of it. Ano yhiel? Bibigay ka nanaman?

Pagkatapos kong mag muni-muni bumaba na ako. Baka napano na si blaire sa baba. Mabait tatay ko pero protective din yun. Pati mga kapatid ko. Bunso kasi ako. Pati sa mga pinsan ko. Nag iisa kasi akong babae. Sa father side. Sa side ni inay madami kaming babae. Isa na doon si hera.

Pag kababa ko..

''Ay sige iho nandito na pala si yhiel. Magpapahinga na muna kami nang inay niya ha, Mariza asikasuhin mo muna bisita mo at mahaba ang kaniyang binyahe.'' Aba. Close na agad sila ng ama ko? Nagmano naman ako kay itay. Pagkatapos umalis na siya. Hindi ko nga alam kung nasaan na mga tao sa bahay na ito. Dati ang ingay-ingay. Ngayon di makabasag pinggan sa katahimikan.

''Anong g-ginagawa mo dito?'' Tanong ko. Tanga lang yhiel? Kailangang mabulol?

''I went at the bar. But they said you took a leave. Then I asked hera about your address here. She doesn't want to give it to me. But I --

''Hindi mo naman sinasagot iyong tanong ko eh. Bakit.ka.nandito?'' Nayayamot kong saad. He was shocked. Kahit naghuhurumentado lahat nang sistema ko nagawa ko paring magmukhang walang pakielam sa kanya.

He shrugged. ''I don't know.'' Napairap ako. Nasiraan na yata ito nang bait eh.

''You don't know? Bumyahe ka nang pagkalayo-layo tapos hindi mo alam kung bakit ka nandito? Blaire naman eh. Nag usap na tayo diba? Ang kulit mo naman eh.'' Naiinis kong saad. Nakatitig lang siya sa akin. Anong bang trip neto? Siya na nga yung nilalayuan ko para hindi na siya mapilitan pang pakisamahan ako kasi nga mahal ko siya tapos pinapahirapan niya ako sa mga pinag gagagawa niya.

** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon