-- 20 [ Someone's always ... ]

70 2 0
                                    


Authors Note: 

Yung kanta po Someone's always saying goodbye by Morissete Amon :) 




--


PARADISCO BAR ~~


Pinagalitan lang ako konti. Konting kemblar lang iyang si boss. Labs naman ako niyan eh. Ang dami ring nagtanong sa akin. Hindi ko naman masabi sakanila iyong totoo kaya sinabi ko na trinangkaso ako't nahospital. Sabi nila ang daya ko daw kasi hindi ko daw sinabi para nakadalaw sila. Ang plastic ko nga kasi ngumingiti ako. Sinasabi kong okay ako kahit na ang totoo. Ang layo ko mula sa salitang okay. Ngayon mawawala na rin si blaire. Nothing makes sense.

Malapit ng dumating si amara. At habang papalapit ang oras.. Mas bumibilis ana nagwawala ang puso ko. Akalain mong kaya niya pang magwala kahit sira-sira na siya. Matibay kahit nag hihingalo na. Every breathe hurts. Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang ngumiti sa harap nila. Kung pwede lang hindi ko na sila kausapin kaso wala naman silang kinalaman eh.

''Yhiel.'' Tawag sa akin ni kuya fred habang nakaupo ako sa high stool. Maya-maya pa naman magbubukas.

''Bakit kuya?'' Tanong ko. Si kuya fred isa sa pinakamatagal sa amin. Siya pinaka matanda sa amin. May asawa na iyan eh. Pero mabait. Mahal na mahal niya nga asawa at anak niya.

''Alam kong may problema ka.. Ano iyon?'' Bigla niyang tanong. Natigilan ako. Bakit alam niya? Ganoon ba ako katransparent? Ngumiti ako pero naging ngisi. Ano ba iyan..

''Kuya nasubukan mo na bang magmahal ng taong hindi ka mahal?'' Magaan ang loob ko kay kuya kaya nasasabi koi to sakanya. Kailangan ko ng masasabihan eh. Yung hindi nakakaalam sa problema ko.

''Yung misis ko. Hindi niya ako mahal noon.'' Nagulat ako kasi kapag pumupunta asawa niya makikita mong mahal niya talaga si kuya fred.

''Weh? Hwag ka nga kuya. Mahal ka naman niya eh.'' Nagawa ko pang mag biro.

''Oo nga. Pero noon hindi niya ako mahal. Kulang na lang magmakaawa ako sakanya. Kulang na lang halikan ko yung sahig na dinadaanan niya. Ang tagal-tagal kong hinintay na mahalin niya ako. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong umiyak at nasaktan dahil sakanya. Basta iyon. Bakit hindi ka mahal ni tisoy?'' Tumango na ako. Wala na rin naming kwenta kung magsisinungaling pa ako.

''Hindi niya ako mahal kuya eh.''

''Parang mahal ka naman niya. Kasi hindi ka naman niya gagawing girlfriend kung hindi.''

''Kuya may iba siyang mahal. Baka nga ngayon mag katotoo na sila eh.''

''Mahal ka nun baka hindi niya pa lang narealize iyon. Madali kang mahalin yhiel. Mabait kang bata. Kahit wala kang sinasabi nakikita ko sa mata mo kung gaano mo siya kamahal. Hanggat kaya pa. Ipaglaban mo.''




~~



Nasa loob kami ng VIP room. Syempre para walang makarinig kahit yung mga titig ng mga kasama ko eh. Nagtatanong kung anong meron.

''Anong sasabihin mo?'' Nagulat ako kasi buntis siya. Diba nung huli ko siyang nakita maliit pa naman tiyan niya. Kinakabahan ako. May naiisip ako pero ayokong iwelcome..

** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon