--
He likes me too? That was... wow. Haha. Nabibingi na yata ako kaya kung ano-anong naririnig ko.
Pagkatapos nung 'I like you' sequel niya. Bumaba agad ako nang kotse. Para akong naestatwa eh. Nagulat na nga ako kasi nasabi ko iyon tapos mas nashock ako nung sumagot din siya. Nagdedeliryo na yata yun eh. O baka ako? Hahaha.
''Hera bakit gising ka pa?'' Tanong ko nakatulala lang siya eh. Malapit nang mag 12 eh.
''Wala lang. Hinihintay kita eh.'' Adik. May problema ito eh kabisado ko.
''Ano nga kasi?'' Tanong ko. Tsk. Muntimang.
''Wala.Ba't ang aga mo? Kamusta trabaho?'' Sabi niya. Ako naman nag bihis na para makapag pahinga.
''Nagkagulo eh. Tapos alam mo ba... Si Blaire nandoon. Niligtas niya ako.'' Sabi ko nang nakangiti naalala ko nanaman tinawag niya akong baby.
''Naks. Ikaw na. Haha. Mukha namang okay ka eh.'' Humiga na kaming dalawa.
''Oo naman tinawag niya akong baby. Tapos...'' Niyakap ko nang mahigpit iyong unan. Parang kasipanaginip lang eh. Like niya ako? Eh kakakilala lang namin. Ikaw nga eh inlove ka na agd. Magkaiba naman iyon. Biglang hinila ni hera yung buhok ko.
''Aray naman eh. Dinadama ko pa nga eh.'' Inirapan niya lang ako. Tsismosa kasi itong babaeng ito eh.
''Tapos ano na? Ang tagal-tagal pa kasi. Kaya nga di pa ako tulog kasi hinihintay kita. Duh.'' Tignan mo ito. Kaya pala eh.
''Nakapunta na ako sa bahay nila. Nalolowblood ako sakanila. Nakita ko na yung isay na bff mo. Hindi mo sinabing ganun kaganda eh. Buti hindi ka nag nonose bleed kapag kasama mo iyon.'' Sabi ko. Para kasi talaga akong alien kanina . Naiintindihan ko naman pero ang deep kasi nang mga ingles nila. Nakakaiyak. Haha. Kaya nga kinawawa ko na lang iyong kinakain ko kanina eh.
''Ganun kasi talaga yun. Tagalog lang kapag sa close niya. Kaso medyo nahihirapan siya. Haha. Ano pa nangyari? Lumelevel up ka ha. Baby na tawag sa iyo.'' Sabi niya nang nakangisi. Pang asar pa eh. Totoo naman.
''He likes me daw.'' Nagulat ako nung naibato niya yung hawak niyang unan.
''Jinja? '' At inalog- alog pa ako. Tumango na lang ako. At tinalikuran siya . Inaantok na ako. Wala pa akong pahinga. Ang oa ko pa kanina. Nagiiyak pa ako sa harap niya. Mamaya iniisip niya na patay na patay ako sakanya. Ano kaya sasabihin ko kila nanay kapag ganun? Haha.
~~
Ngayong narealize ko na kung gaano ako kahulog kay blaire. Gagawin ko na lang lahat para sakaniya. Para walang what ifs sa huli. Bahala na sa mga concequences.I never dreamed of this. Yung magmumukhang ewan para sa taong mahal niya. Ayoko nang ganun kasi. Sino ba naman ang may gustong magmahal nang taong di ka kayang mahalin diba? Kung iiwasan ko siya . Tsk. Masasaktan pa rin naman ako. Nakakainis naman eh.
BINABASA MO ANG
** My Last Downfall
RomanceYhiel Daza's life was all about making money and music from province tried to find it in Manila but she found more than what she was looking for and more.